Jessy Mendiola, nabahala para sa kanyang baby matapos siyang magpositibo sa COVID

Jessy Mendiola, nabahala para sa kanyang baby matapos siyang magpositibo sa COVID

- Hindi napigilang maiyak ni Jessy Mendiola nang mapag-isip-isip niyang maaring maapektuhan ang anak niya sa sinapupunan nang magpositibo siya sa COVID

- Sa kanyang bagong vlog, pinakita niya ang kanyang pinagdaanan nang tamaan siya ng COVID sa unang pagkakataon

- Aniya, kung siya lang ay ayos lang sa kanya ngunit ikinabahala niya ang maaring maging epekto nito sa kanyang baby

- Sa kasalukuyan ay nagnegatibo na siya sa COVID matapos ang labing-isang araw na pakikipaglaban niya sa coronavirus

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Emosyonal si Jessy Mendiola matapos niyang mag-positibo sa COVID. Ikinabahala niya na maaring maapektuhan ang kanyang "Baby Peanut" dahil sa pagkakasakit niya.

Jessy Mendiola, nabahala para sa kanyang baby matapos siyang magpositibo sa COVID
Jessy Mendiola, nabahala para sa kanyang baby matapos siyang magpositibo sa COVID (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Hindi naman siya iniwan ni Luis na hindi na tumuloy sa kanyang trabaho para mabantayan ang kanyang mag-ina at para na rin sa kaligtasan ng mga taong kanyang makakasalamuha.

Read also

Richard Gomez, naging milyonaryo sa edad na 20 dahil sa pagiging masinop sa pera

Hindi naman tinamaan ng COVID si Luis kaya naman pinilit siya ni Jessy na magbukod na lang para maiwasang mahawa siya. Sa kasalukuyan ay nagnegatibo na siya sa COVID matapos ang labing-isang araw na pakikipaglaban niya sa corona virus.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang reaksiyon ng kani-kanilang pamilya tungkol sa pagbubuntis niya. Naibahagi niyang hindi na niya nakuhanan ng video ang unang naging reaksiyon ng kanyang pamilya dahil nasa ibang bansa ang mga ito. Bukod pa dito ay agad daw na pinagsabi ng kanyang mama ang balita dahil sa sobrang tuwa nito. Halos maiyak naman sa tuwa ang mga magulang ni Luis na sina Edu Manzano at Vilma Santos.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate