Richard Gomez, naging milyonaryo sa edad na 20 dahil sa pagiging masinop sa pera

Richard Gomez, naging milyonaryo sa edad na 20 dahil sa pagiging masinop sa pera

- Naibahagi ni Richard Gomez na naging milyonaryo siya sa edad na 20 nang pumasok siya sa mundo ng showbiz

- Hindi umano siya maluho at mahusay itong maghawak ng kanyang pera na mula sa kanyang pagtatrabaho

- Tinawag pa umano siya ng kanyang mga nakatrabaho na makunat dahil kalahati ng kanyang sahod ay tinatabi niya sa bangko

- Kaya naman, ang una niyang napundar mula sa kanyang naipong sahod ay isang bahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Richard Gomez, tinawag siya umano noon na makunat dahil sa kanyang pag-iipon. Sa panayam ni Ogie Diaz sa kanya, naibahagi niyang kalahati umano ng kanyang kita ay tinatabi niya sa bangko kaya naman sa edad na 20 ay naging milyonaryo siya.

Richard Gomez, naging milyonaryo sa edad na 20; nakabili ng kanyang bahay
Richard Gomez, naging milyonaryo sa edad na 20; nakabili ng kanyang bahay (@richardgomezinstagram)
Source: Instagram

Unang napundar niya ay bahay kahit noong binata pa lang siya. Simula nang pumasok siya sa showbiz sa edad na 17 ay naging masinop ito sa kanyang pera dahil na rin sa payo sa kanya ng dati niyang manager. Tinuruan siya nito ng kahalagahan ng pag-iipon.

Read also

Richard Gomez, nagbigay ng payo sa mga batang artista: "Seryosohin mo yung trabaho"

Nang kinasal siya kay Lucy ay napagpasyahan nilang ibenta ang bahay na iyon dahil hindi naman umano nila nagagamit.

Aniya, ang maituturing niyang kabilang sa kanyang best investment ay real estates.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maging si Ogie ay aminadong hinahangaan si Richard pagdating sa kanyang paghawak at pagpapalago ng kanyang pera.

Si Richard Gutierrez ay naihalal bilang congressman ng fourth district ng Leyte kung saan siya nanilbihan bilang isang Mayor ng Ormoc City, Leyte. Kilala rin siya bilang si Goma at isa din siyang athlete, actor at director.

Matatandaang naging usap-usapan ang mga nakakaaliw na cooking vlogs ni Richard na kanyang binahagi sa YouTube. Bukod sa personal na paghahanda at pagluluto, nagbababahagi din siya ng mga fun facts tungkol sa mga niluluto niya. Sa isa niyang video ay nakasama ni Richard ang anak na si Juliana Gomez at ang napapabalitang boyfriend nito. Marami ang nakapansin sa pagiging komportable at kaswal nila na makipag-usap sa naturang vlog.

Read also

Richard Gomez, pinayuhan si Juliana na wag pumili ng BF na gaya nya nung binata pa

Binahagi niya din ang kanyang maikli ngunit nakakaantig na mensahe sa Instagram kamakailan, Ito ay para sa kanyang asawang si Lucy Torres. Ito ay sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-24 na wedding anniversary noong April 28. Nag-post din siya ng pictures nilang magkasama. Agad na nag-viral at umani ng mga komento mula sa kanyang followers ang kanyang IG post.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel