Richard Gomez, pinayuhan si Juliana na wag pumili ng BF na gaya nya nung binata pa

Richard Gomez, pinayuhan si Juliana na wag pumili ng BF na gaya nya nung binata pa

- Ayon kay Richard Gomez, pinapayuhan niya ang anak na si Juliana Gomez pagdating sa pagpili nito ng makakarelasyon

- Sa panayam ni Ogie Diaz sa kanya, sinabi niyang sinabihan niya ang anak na huwag pumili ng kagaya ni Richard Gomez kung boyfriend ang gusto niya

- Inamin niya rin na babaero daw siya at malapit sa chicks noong araw ngunit nagbago naman na daw siya

- Kaya kung pipili naman daw siya ng mapapangasawa ay piliin niya ang kagaya ni Richard Gomez

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Richard Gomez, payo niya sa anak na huwag pipili ng katulad ni Richard Gomez noong bata pa siya. Sa panayam ni Ogie Diaz sa kanya ay binahagi niya ang naging pagbabago sa kanya noon hanggang sa naging asawa na siya ni Lucy Torres.

Richard Gomez, pinayuhan ang anak na huwag pumili ng boyfriend na kagaya niya
Richard Gomez, pinayuhan ang anak na huwag pumili ng boyfriend na kagaya niya (@richardgomezinstagram)
Source: Instagram

Kaya naman aniya ay kung pipili siya ng mapapangasawa ay pumili siya ng tulad ni Richard Gomez noong naging asawa na siya. Naibahagi niya din na nais sana nila ni Lucy na madagdagan pa ang anak at apat sana umano ang kanilang gustong maging anak.

Read also

Richard Gomez, nagbigay ng payo sa mga batang artista: "Seryosohin mo yung trabaho"

Gayunpaman, isa lang ang nabigay sa kanila kaya ayos lang umano sa kanilang mag-asawa iyon. Wala din daw siyang pagsisisi na hindi siya nagkaanak sa ibang babae bago siya ikasal sa kanyang misis.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Richard Gutierrez ay naihalal bilang congressman ng fourth district ng Leyte kung saan siya nanilbihan bilang isang Mayor ng Ormoc City, Leyte. Kilala rin siya bilang si Goma at isa din siyang athlete, actor at director.

Matatandaang naging usap-usapan ang mga nakakaaliw na cooking vlogs ni Richard na kanyang binahagi sa YouTube. Bukod sa personal na paghahanda at pagluluto, nagbababahagi din siya ng mga fun facts tungkol sa mga niluluto niya. Sa isa niyang video ay nakasama ni Richard ang anak na si Juliana Gomez at ang napapabalitang boyfriend nito. Marami ang nakapansin sa pagiging komportable at kaswal nila na makipag-usap sa naturang vlog.

Binahagi niya din ang kanyang maikli ngunit nakakaantig na mensahe sa Instagram kamakailan, Ito ay para sa kanyang asawang si Lucy Torres. Ito ay sa pagdiriwang nila ng kanilang ika-24 na wedding anniversary noong April 28. Nag-post din siya ng pictures nilang magkasama. Agad na nag-viral at umani ng mga komento mula sa kanyang followers ang kanyang IG post.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel