Ogie Diaz sa mga 'jejemon' bashers niya; "Imbes na maapektuhan ako, natatawa na lang ako"

Ogie Diaz sa mga 'jejemon' bashers niya; "Imbes na maapektuhan ako, natatawa na lang ako"

- Naikwento ni Ogie Diaz sa kanyang post na naba-bash na naman muli siya

- Aniya namumura na naman siya ng mga bashers niyang 'jejemon' at ipinakita ang ilang mga komentong naibato ng mga ito sa kanya

- Kaya naman sa halip na maapektuhan, natatawa na lamang umano siya sa kanyang mga nababasa

- Sa kabila ng mga pamba-bash umano kay Ogie, marami pa rin ang nag-aabang sa mga bagong videos niya sa Ogie Diaz inspires at Ogie Diaz Showbiz Update

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinagiliwan ng marami ang bagong post ni Ogie Diaz kung saan ikinuwento niya ang umano'y pagmumura sa kanya ng mga bashers niyang 'jejemon'.

Ogie Diaz sa mga 'jejemon' bashers niya; "Imbes na maapektuhan ako, natatawa na lang ako"
Photo: Ogie Diaz
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na imbis na maapektuhan ay natawa na lamang si Ogie sa kanyang mga nabasa.

"Yung mga bashers kong jejemon, umatake na naman. Nagmumumura na naman. Hahaha! Di ko na sinasagot,"

Read also

Cristy sa umano'y bashers ni Kuya Kim: "Kasi nga mahilig siyang makisali"

"Sabi nung isa, “Kaya ka bina-bush!” Di ko kinaya yung, “Ghaguu kah!” At yung isa naman, “Salut ka ng leponan!”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"O, di ba? Imbes na maapektuhan ako, natatawa na lang ako sa kanila. Kaya ayun, dinididma koh na lungs" ani Ogie.

Narito ang kabuuan ng post:

Samantala, sa kabila ng pagkakaroon ng mga bashers, marami pa naman ang naaantig ang puso sa kanyang YouTube channel na Ogie Diaz inspires at nakapagbibigay saya naman ang kanyang Ogie Diaz Showbiz Updates.

Sa kanya ngang Ogie Diaz inspires channel mapapanood ang nakakaantig pusong interview niya kay Andrew Schimmer. Pumalo na sa mahigit 2 million views ang naturang panayam sa loob lamang ng dalawang araw buhat nang ito'y maisa-ere. Sa pamamagitan din ng panayam na ito, mas lalong naunawaan ng publiko ang pinagdadaanan ng pamilya Schimmer.

Read also

Fil-Am TikTok superstar na si Bella Poarch, pangarap na makapag-perform sa ASAP

Nakapanayam din ni Ogie Diaz ang pinakabagong Darna na si Jane De Leon. Doon, matapang na inamin ni Jane ang pinagdaanang pagsubok ng kanilang pamilya lalo na ang mga sakripisyo nilang mag-ina sa pag-abot ng pangarap ni Jane na makapasok sa Showbiz.

Dumating pa umano sa punto na natutulog na lamang silang mag-ina sa dressing room para lamang hindi na problemahin pa ang kanilang pamasahe muli kinabukasan. Minsan pa nilang naranasan na pagkasyahin ang Php100 para sa pamasahe at pagkain sa maghapon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel