Cristy sa umano'y bashers ni Kuya Kim: "Kasi nga mahilig siyang makisali"

Cristy sa umano'y bashers ni Kuya Kim: "Kasi nga mahilig siyang makisali"

- Isa sa mga napag-usapan sa Showbiz Now Na! nina Cristy Fermin ay ang napupuna umano ng netizens tungkol kay Kim Atienza

- Dahil dito, nabansagan siya umanong sawsawero sa umano'y pakikisali sa ilang mga isyu kamakailan

- Pinayuhan siya ni Cristy na upang maiwasan ang bashing, huwag na lang sanang makisali pa o magkomento si 'Kuya Kim' sa isyu at tumutok na lang sana ito sa kanyang linya

- Matatandaang kamakailan, naging matunog ang pangalan ni Kuya Kim sa pagbibigay komento sa ilang kontrobersiya sa showbiz

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa mga natalakay nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Wendell Alvarez sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! ay ang pagiging 'sawsawero' umano ni Kim Atienza.

Cristy Fermin sa bashing na nararanasan umano ni Kuya Kim; "Kasi nga mahilig siyang makisali"
Kim Atienza (@kuyakim_atienza)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na kamakailan, madalas na ma-bash umano si 'Kuya Kim' sa pagbibigay komento nito sa ilang mga kontrobersiya at isyu sa bansa lalo na sa showbiz.

Read also

Ogie Diaz sa mga 'jejemon' bashers niya; "Imbes na maapektuhan ako, natatawa na lang ako"

"Ito naman kasing si Kuya Kim, ang linya niya ay mga hayop. Para siyang beterinaryo na binibigyan tayo ng interpretasyon sa mga hayop... E ba't nakikisali siya sa mga isyu. Nakikisawsaw. Gusto ba niyang maging talk show host?" ani Cristy.

"Napakasasakit ng mga salitang ipinupukol sa kanya. Dahil hindi raw malaman kung ano ba talaga ang gusto ni Kuya Kim sa buhay niya."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kasi nga mahilig siyang makisali. Ano ba talagang linya ang gusto ni kuya Kim?," dagdag pa nito.

"Huwag na tayong makisali. Doon nalang tayo sa linya natin," payo ni Cristy kay kuya Kim.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Showbiz Now Na YouTube channel:

Si Cristy Fermin isa sa mga kilalang showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Read also

Donnalyn Bartolome, nagsalita na kaugnay sa kanto-style celebration: "Wala akong regrets"

Ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, ibinahagi ni Cristy Fermin ang biyayang natanggap nila sa YouTube kung saan nagkamit na ito ng silver play button.

Matatandaang sa YouTube channel din ni Cristy una niyang nabanggit ang umano'y pagdadalang-tao ni Julia Montes. Ito raw ang dahilan ng hindi nito pagsama sa burol ng namayapang aktres na si Susan Roces.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel