Fil-Am TikTok superstar na si Bella Poarch, pangarap na makapag-perform sa ASAP

Fil-Am TikTok superstar na si Bella Poarch, pangarap na makapag-perform sa ASAP

- Nabanggit ng Fil-Am TikTok superstar na si Bella Poarch na nais niyang makapag-perform sa ASAP

- Aniya, lumaki siyang nanonood ng naturang programa at magiging 'dream come true kung maisasakatuparan niya ito

- Isa sa mga nais niyang maka-collab ang singer na si Zac Tabudlo na umawit ng 'Habang Buhay'

- Nagpahiwatig din siya ng pagbabalik sa bansa sa Disyembre at sinabi pa niyang 'Kita-kits'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naikwento ng Fil-Am TikTok superstar na si Bella Poarch na nais niyang makapag-perform sa ASAP.

Fil-Am TikTok superstar na si Bella Poarch, pangarap na makapag-perform sa ASAP
Bella Poarch (@bellapoarch)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na lumaki si Bella na nanonood ng ASAP. "I literally grew up watching ASAP... Oh my God! That would be a dream come true," aniya.

At isa sa mga nais niyang maka-collab ay si Zac Tabudlo. Katunayan, nag-sample pa siya ng kanta nitong 'Habang Buhay.'

Read also

Bella Poarch, kinikilig na inaming crush niya si Joshua Garcia: "we message a lot"

"I love Zac... Let him know that I love him so much. I'm such a great fan."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa ngayon, namamayagpag sa music scene si Bella na number 7 sa YouTube trending videos ang awitin niyang Living Hell.

Hango raw ito mga pinagdaanan ni Bella mula pa noong siya ay nananatili pa sa Pangasinan.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni MJ Felipe mula sa TV Patrol:

Si Bella Poarch ay isang TikTok Superstar na mas lalong sumikat nang malaman ng publiko na isa umano siyang Pilipino. Pumalo na sa 91 million ang kanyang subscribers habang bilyon-bilyon naman ang views ang kanyang mga TikTok videos. Dahil sa talento niya sa pag-awit, pumasok na rin sa music scene si Bella.

Aliw na aliw ang mga Pinoy tuwing napapanood si Bella na nagsasalita ng Tagalog tulad na lamang ng caption niya post na naisama si Joshua Garcia.

Read also

Darna ni Jane De Leon, pumalo sa halos 300,000 ang mga nanood sa kanilang pilot episode

Samantala, nito lamang Enero nang pasukin ng Kapamilya actor ang mundo ng TikTok.

Halos hindi makapaniwala si Joshua nang pumalo sa 100 million ang views ng kauna-unahan niyang TikTok video na marami na rin naman ang nakagawa.

Dahil dito, labis-labis ang kanyang pasasalamat lalo na at padami na rin ng padami ang mga TikTok followers niya.

Mula noon ay pumapalo na talaga ng milyon-milyong views ang kanyang mga videos na siyang nakapukaw ng atensyon maging ni Bella Poarch.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel