Joshua Garcia at Bella Poarch, nagpalitan ng emojis na nagpakilig sa netizens

Joshua Garcia at Bella Poarch, nagpalitan ng emojis na nagpakilig sa netizens

- Usap-usapan ngayon ng palitan ng emojis nina Joshua Garcia at Bella Poarch

- Ito ay sa bagong post ni Joshua sa kanyang Instagram kung saan napakomento si Bella

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Nakapakilig naman ito sa netizens habang ang iba ay biniro si Bella bilang 'nanalo na'

- Matatandaang nag-viral ang TikTok video ni Bella kung saan naisama niya ang video ni Joshua na kumakanta at naggigitara

Mabilis na naging usap-usapan ngayon sa socmed ang palitan umano ng emoji ng aktor na si Joshua Garcia at ng online personality na si Bella Poarch.

Joshua Garcia at Bella Poarch, nagpalitan ng emojis na nagpakilig sa netizens
Joshua Garcia (@garciajoshuae)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napakomento si Bella sa pinakabagong Instagram post ni Joshua ngayong Mayo 26.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Ogie Diaz, kinumpirmang si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano

Ito ay ang mga kuha ni Joshua sa pool na tumabo ng mahigit 375,000 likes sa loob ng anim na oras.

At isa nga sa napakomento ay si Bella na nagpadala ng animo'y wow na emoji.

Sinagot din naman ito ng isang emoji ni Joshua na nagpakilig naman sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang mga makukulit na komento:

"Ate Bella, ang swerte mo naman po. Sana all napansin ni crush"
"Mapapasabi ka talaga ng uwian na, may nanalo na e. Kilig po ako sa inyo"
"Miss Bella, hindi mo rin po napigilang mag-comment at ni-reply ka pa talaga"

Matatandaang minsan na ring naibahagi ni Bella sa TikTok niya ang video nito Joshua habang ito ay kumakanta at naggigitara.

Ayon sa post, nagluluto si Bella subalit ang nasa isip niya ay ang katanungan kung singer ba si Joshua.

Si Bella Poarch ay isang TikTok star na mas lalong sumikat nang malaman ng publiko na isa umano siyang Pilipino. Aliw na aliw ang mga Pinoy tuwing napapanood si Bella na nagsasalita ng Tagalog tulad na lamang ng caption niya post na naisama si Joshua Garcia.

Read also

Ogie Diaz bilang manager ni Liza Soberano: "Hanggang May 31, 2022 pa po"

Samantala, nito lamang Enero nang pasukin ng Kapamilya actor ang mundo ng TikTok.

Halos hindi makapaniwala si Joshua nang pumalo sa 100 million ang views ng kauna-unahan niyang TikTok video na marami na rin naman ang nakagawa.

Dahil dito, labis-labis ang kanyang pasasalamat lalo na at padami na rin ng padami ang mga TikTok followers niya.

Mula noon ay pumapalo na talaga ng milyon-milyong views ang kanyang mga videos na siyang nakapukaw ng atensyon maging ni Bella Poarch.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel