Xian Gaza, sa babaeng kasama ni Joshua Garcia: "Joshua ba't kamukha ko siya"

Xian Gaza, sa babaeng kasama ni Joshua Garcia: "Joshua ba't kamukha ko siya"

- Usap-usapan ngayon ang larawan ni Joshua Garcia na may kasamang babae

- Isa si Xian Gaza sa lakas-loob na nagtanong ukol dito

- Aniya, tila kamukha pa raw niya ang babaeng isa umanong basketball player ng Ateneo Basketball team

- Naglabas pa ng larawan si Xian kung saan makikitang parehong may nunal sila sa mukha ng babaeng kasama ni Joshua

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agaw-eksena ngayon sa social media ang larawan ni Joshua Garcia na kasama ang isang babaeng miyembro umano ng Ateneo Basketball team.

Xian Gaza, sa babaeng kasama ni Joshua Garcia; "Joshua ba't kamukha ko siya"
Xian Gaza, sa babaeng kasama ni Joshua Garcia; "Joshua ba't kamukha ko siya" (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa sa mga unang nagbigay komento tungkol dito ay ang online personality na si Xian Gaza.

Sa Facebook post, ibinahagi niya ang mga larawan ng babaeng sinasabing si Trina Guytingco na kasama ni Joshua Garcia sa ilang larawan.

"Joshua ba't kamukha ko siya," makulit na pahayag ni Xian na sinundan pa niya ng komento kung saan may kasamang larawan at caption na "akala ko ako."

Read also

Larawan ni Tricia Robredo na nakipag-kamay sa BBM supporter, viral

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman sa Manila Bulletin, ang Facebook page na 'Basketball World' ang unang naglabas umano ng mga larawan nina Joshua subalit wala pa rin umanong kumpirmasyon kung ano ang estado ng relasyon ng dalawa.

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isa umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa si Xian at pinamamahalaan ang kabi-kabila niyang mga negosyo.

Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Kamakailan, muling gumawa ng ingay sa socmed si Xian dahil sa sunod-sunod nitong mga pasabog patungkol sa mga celebrity couples.

Read also

Ana Jalandoni, handang patawarin si Kit Thompson pero kailangan umano nitong managot

Tila mabilis ang mga scoop ni Xian at nalalaman umano niya ang dahilan ng mga hiwalayan ng ilang kilalang showbiz couple kamakailan.

Isa na rito ay ang hiwalayang Barbie Imperial at Diego Loyzaga na noong Pebrero lang kinumpirma ng aktres habang noong nakaraang taon ay unti-unti nang nagbibigay ng detalye si Xian ukol dito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel