Madam Kilay at kanyang partner, tuwang-tuwa na magkakaroon sila ng baby boy

Madam Kilay at kanyang partner, tuwang-tuwa na magkakaroon sila ng baby boy

- Binahagi ni Madam Kilay ang video ng kanilang ginanap na gender reveal para sa kanilang baby ng partner niya

- Makikita ang kanilang reaksiyon nang malaman nilang lalaki ang kanilang unang anak

- Makikita sa video ang pagiging emosyonal ng ama ng kanyang anak at hindi nito maitago ang kanyang kasiyahan

- Matatandaang kamakailan lang nang ibahagi ni Madam Kilay ang video ng kung saan pinaalam niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi maitago nina Madam Kilay at ng kanyang partner ang kanilang tuwa at excitement sa kanilang baby boy. Sa ginanap na gender reveal party, naging emosyonal pa ang partner ni Madam Kilay.

Madam Kilay at kanyang partner, tuwang-tuwa na magkakaroon sila ng baby boy
Madam Kilay at kanyang partner, tuwang-tuwa na magkakaroon sila ng baby boy (facebook.com/MadamKilayyOfficial)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post ay binahagi ni Madam ang isang bahagi ng kanyang video kung saan makikita ang reaksiyon ng partner niyang si Michael nang malamang magkakaroon sila ng baby boy. Binalikan pa ni Madam kung paano sila nagsimulang magkakilala ni Michael.

Read also

Ivana Alawi, ipinakita ang closet sa bago nilang bahay; "Ang dami kong pipilian"

From 1 day Boyfriend with Stranger challenge to be a real TATAY!! Nakakaiyak SA saya!!
Ikaw ang blessing at special na gift sa amin ng dada mo! see you soon!!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Madam Kilay o si Jinky Anderson sa totoong buhay ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial video. Ibinahagi niya rin sa mga videos ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay nakwento niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.

Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael. Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.

Read also

'Pastillas Girl' Angelica Yap, binahagi ang kanyang rhinoplasty journey

Matatandaang sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito. Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero. Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel