Enrique Gil, bibisita kay Liza Soberano sa Amerika ayon kay Ogie Diaz

Enrique Gil, bibisita kay Liza Soberano sa Amerika ayon kay Ogie Diaz

- Nabanggit ni Ogie Diaz na bibisita umano si Enrique Gil sa kasintahan nitong si Liza Soberano sa Amerika

- Dadalawin umano ni Enrique si Liza sa shoot ng first Hollywood project nito

- Sinasabing ito ang maaring pumatay sa mga haka-hakang nagkakalabuan na ang dalawa dahil sa bagong tinatahak ng career ni Liza

- Si Liza Soberano ay unang naging talent ni Ogie Diaz na siyang nakadiskubre umano sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang 'Showbiz Update channel' na dadalaw umano si Enrique sa nobya niyang si Liza Soberano na ngayo'y nasa Amerika pa rin.

Enrique Gil, bibista kay Liza Soberano sa Amerika ayon kay Ogie Diaz
Enrique Gil at Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

"Nakarating sa akin, since nandiyan si James Reid ay dadalaw din at pupunta rin ng US itong si Quen [Enrique Gil]. Yes dadalawin niya sa shoot itong si Liza," ani Ogie.

Kamakailan ay isinapubliko na ang umano'y unang Hollywood project ni Liza na Lisa Frankenstein.

Read also

Nag-viral na ka-look-alike ni Jericho Rosales, isa na umanong product endorser

Ayon kay Ogie, napag-alaman niyang ang role ni Liza ay kapatid umano ng bida.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Kamakailan, isa sa mga natalakay sa kanyang YouTube channel ay ang mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na madalas na magkasama sa Amerika.

Nilinaw niyang umalis ang dalawa kasama ang kanilang grupo at wala umanong katotohanan na naghiwalay na ang aktres kay Enrique Gil.

Matapos ito, nabanggit niya ang Hollywood dream ni Liza na tila unti-unti na nitong sinisimulan.

Sa channel din ni Ogie, naibahagi niyang maayos ang paghihiwalay nila ni Liza na ang manager ay si James Reid.

Read also

Ruffa Gutierrez, binati si KaladKaren sa kabila ng pang-iintriga sa kanila

Matapos i-anunsyo ni Ogie Diaz na hanggang May 31, 2022 na lamang siyang magiging manager ni Liza Soberano, marami naman ang nagtanong kung bakit si James Reid ang pinagkatiwalaan ni Liza sa kanyang career.

Gayunpaman, Todo-todo rin rin ang suporta niya kay Liza at hangad niyang umangat pa lalo ang career nito lalo na at sumasabak na ito sa Hollywood.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel