Ogie Diaz, natanong ng marami bakit si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano

Ogie Diaz, natanong ng marami bakit si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano

- Matapos ang pag-anunsyo ni Ogie Diaz na si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano, marami ang nagtanong ng dahilan nito

- Aniya, malalim ang pagkakaibigan nina James at Liza mula pa noong mayroon pang 'JaDine'

-Hangad din niya ang patuloy na pag-angat ng career ni Liza lalo na sa Hollywood

- Makailang beses din niyang nabanggit na maayos ang kanilang paghihiwalay bilang manager at talent at masasabing maayos pa rin ang pagkakaibigan at samahan nila ni Liza

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Matapos i-anunsyo ni Ogie Diaz na hanggang May 31, 2022 na lamang siyang magiging manager ni Liza Soberano, marami naman ang tanong kung bakit si James Reid ang pinagkatiwalaan ni Liza sa kanyang career.

Ogie Diaz, natanong ng marami bakit si James Reid ang bagong manager ni Liza Soberano
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI hindi man talaga diretsang napag-usapan nina Ogie at Liza ang dahilan, naisip ni Ogie ang lalim ng pagkakaibigan ng dalawa.

Read also

Ruffa Gutierrez, binati si KaladKaren sa kabila ng pang-iintriga sa kanila

"Ang alam ko malalim 'yun kanilang friendship, 'Yung JaDine, friends talaga sila ni Liza."
"Unang-unang, grupo silang magma-manage kay Liza, di lang si James Reid. Signatory lang si James Reid sa bawat kontratang papasukan ni Liza.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Ang napag-usapan namin noon, 'yung mga negosyong kinabibilangan niya, part 'yun, part doon ang team ni James Reid," paliwanag ni Ogie.

Todo rin ang suporta niya kay Liza at hangad niyang umangat pa lalo ang career nito lalo na sa Hollywood.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula Ogie Diaz Showbiz Update:

Pinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Read also

Ogie Diaz, inalala ang papuri ni Cherie Gil sa dati niyang alagang si Liza Soberano

Kamakailan, isa sa mga natalakay sa kanyang YouTube channel ay ang mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na madalas na magkasama sa Amerika.

Nilinaw niyang umalis ang dalawa kasama ang kanilang grupo at wala umanong katotohanan na naghiwalay na ang aktres kay Enrique Gil.

Matapos ito, nabanggit niya ang Hollywood dream ni Liza na tila unti-unti na nitong sinisimulan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel