Ruffa Gutierrez, binati si KaladKaren sa kabila ng pang-iintriga sa kanila

Ruffa Gutierrez, binati si KaladKaren sa kabila ng pang-iintriga sa kanila

- Binati ni Ruffa Gutierrez si KaladKaren Davila sa pamamagitan ng isang tweet

- Ito ay matapos silang ipagkumpara ng mga netizens dahil sa kanilang naging komento sa Miss Q&A

- Dahil sa kanilang mga naging komento ay muling nagkaroon ng diskusyon ang mga netizens at nabahiran pa ito ng intriga

- Dahil sa magkaibang pananaw nila ay agad na nag-landing sa social media ang komento ng dalawang hurado dahilan para mag-trend ang topics na Kaladkaren at Ruffa sa Twitter

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binati ni Ruffa Gutierrez si KaladKaren Davila para sa kaarawan nito. Ito ay matapos mag-trending ang dalawa dahil sa magkaibang pananaw sa isang paksa sa Beklamation round sa It’s Showtime segment na Miss Q&A.

Ruffa Gutierrez, binati si KaladKaren sa kabila ng pang-iintriga sa kanila
Ruffa Gutierrez, binati si KaladKaren sa kabila ng pang-iintriga sa kanila (@iloveruffag)
Source: Instagram

Ang katanungan ay tungkol sa kung bakit wala umanong napapbalitang langgam na umaasenso gayong masipag naman sila.

Read also

Oyo Boy Sotto, ibinida ang kagandahan ng kanyang asawang si Kristine Hermosa

Para sa daily winner, ang disiplina ng mga langgam ang sagot ng pag-asenso habang para sa reigning queen, unity ang sagot sa pag-unlad.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa komento ni Kaladkaren, parehong pinuri ng hurado ang kahalagahan ng pananaw ng dalawang contenders.

Ilang netizens ang pumuri sa punto ni Kaladkaren ukol sa “bad system” na pumipigil sa pag-asenso ng mga Pilipino at meron din namang nagtanggol kay Ruffa.

Si Ruffa Gutierrez o mas kilala bilang si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez sa totoong buhay ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Ang kanyang mga magulang ay sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant.

Pinagtanggol ni Annabelle Rama ang anak na si Ruffa sa gitna ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya. Wala itong binanggit na pangalan ngunit pinagsabihan ni Anabelle ang taong aniya'y kung magkwento ay parang CCTV ni Ruffa. Aniya, huwag itong maging "chismosang Marites" at ayusin na lang umano nito ang kaso niya. Nagtanong pa ito na baka nagpapansin lang ang kanyang pinatutungkulang tao para mapasali sa Maid in Malacañang.

Read also

Video ng paghingi ng dispensa ni Cherie Gil kay Vice Ganda, muling nag-viral

Ayon naman sa abogado ni Ruffa, black propaganda lamang ang nilabas na isyu kaugnay sa aktres. Ito umano ay dahil gaganap si Ruffa bilang si dating First Lady Imelda Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang. Tinitingnan umano ng kampo ng aktres ang maaring gawing aksyon upang panagutin ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon laban sa kanya. Matatandaang nauna nang pinabulaan ni Ruffa ang tungkol sa akusasyong pinaalis ang mga kasambahay nang hindi binabayaran ng kanilang sahod.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel