Video ng paghingi ng dispensa ni Cherie Gil kay Vice Ganda, muling nag-viral

Video ng paghingi ng dispensa ni Cherie Gil kay Vice Ganda, muling nag-viral

- Sa pagpanaw ni Cherie Gil, muling binalikan ng netizens ang madamdaming paghingi niya ng dispensa kay Vice Ganda

- Naganap ito sa It's Showtime kung saan si Cherie ang isa sa mga naging hurado sa mga performance ng It's Showtime hosts

- Kaugnay ito sa naging tweet ni Cherie kay Vice kaugnay sa paraan ng pagpapatawa nito sa kanyang naging concert na "I-Vice Ganda mo ako sa Araneta"

- Sa naturang video ay pinasalamatan ni Cherie si Vice dahil sa kanyang pagbibigay ng pagkakataon na makilala niya ang totoong ugali ni Vice

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinariwa ng publiko ang paghingi ng dispensa ni Cherie Gil kay Vice Ganda kaugnay sa kanyang tweet patungkol sa TV host. Emosyonal ang eksena kung saan pinasalamatan din ni Cherie si Vice sa performance nito kung saan kinanta niya ang sarili niyang komposisyon.

Read also

Huling panayam kay Cherie Gil, binalikan ng publiko matapos ang pagpanaw nito

Video ng paghingi ng dispensa ni Cherie Gil kay Vice Ganda, muling nag-viral
Video ng paghingi ng dispensa ni Cherie Gil kay Vice Ganda, muling nag-viral (@macherieamour)
Source: Instagram

Ang mensahe ng kanyang kanta ay tungkol sa pagkakapantay-pantay. Marami ang naantig sa performance ni Vice. Maging si Cherie ay naantig sa kanyang awitin na humantong sa paghingi nito sa kanya ng dispensa kaugnay sa kanyang nasabi sa Twitter.

Para naman kay Vice, hindi naman kailangang humingi ng dispensa dahil karapatan umano iyon ni Cherie na magbahagi ng kanyang opinyon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Cherie Gil o Evangeline Rose Gil Eigenmann sa totoong buhay ay isang award-winning actress. Binansagan siyang "La Primera Contravida" dahil sa kanyang mahusay na pagganap bilang kontrabida hindi lamang sa mga serye sa telebisyon kundi maging sa pinilakang tabing.

Sa kanyang pagpanaw, marami sa mga kasamahan niya sa showbiz ang nagbigay pugay at nagbahagi ng kanilang mensahe sa batikang aktres. Kabilang si Lovi Poe sa mga artistang naghayag ng kanyang mensahe sa pagpanaw ni Cherie. Aniya, matuturing niyang malaking karangalan para sa kanya ang masampal ni Cherie sa seryeng "Legacy." Pinasalamatan ni Lovie si Cherie sa magandang alaalang iniwan nito.

Read also

Luis Manzano at Angeline Quinto, na-prank ang mga kasamahan sa I Can See Your Voice

Ang kanyang kapatid naman na si Michael de Mesa ay nag-post sa sociale media. Binahagi niya ang statement ng kanilang pamilya kung saan kinumpirma nilang pumanaw dahil sa cancer si Cherie. Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa post ni Michael na ayon sa naunang ulat ay iyak nang iyak sa loob ng kotse niya nang malamang namatay na ang kapatid niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel