Luis Manzano at Angeline Quinto, na-prank ang mga kasamahan sa I Can See Your Voice

Luis Manzano at Angeline Quinto, na-prank ang mga kasamahan sa I Can See Your Voice

- Na-prank nina Luis Manzano at Angeline Quinto ang ilan sa kanilang mga kasamahan sa programang I Can See Your Voice

- Naging malapit sila sa mga kasamahan nila kagaya nina Wacky Kiray, Alex Gonzaga, Bayani Agabayani at marami pang iba

- Isa-isang tinawagan ni Angeline ang mga kasamahan para sa kanyang prank at karamihan sa kanila ay napaniwala niya sa kanyang hiniling na pabor

- Ayon naman kay Luis, nais niyang magkasama-sama silang lahat ng kanyang kasamahan sa isang episode ng kanyang vlog at ibibigay nila sa charity ang kikitain ng kanilang video

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa bagong video ni Angeline Quinto sa kanyang YouTube channel ay nakasama niya si Luis Manzano. Napag-tripan nilang i-prank ang ilang mga kasamahan nila sa programang I Can See Your Voice.

Luis Manzano at Angeline Quinto, na-prank ang mga kasamahan sa I Can See Your Voice
Luis Manzano at Angeline Quinto, na-prank ang mga kasamahan sa I Can See Your Voice (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Unang natawagan ni Angeline si Bayani Agbayani. Tinanong niya ito kung pwede daw bang iwan niya muna ang kanyang anak sa kanila dahil hind niya ito pwedeng dalhin sa kanyang concert sa ibang bansa.

Read also

Ethel Booba, pinakita ang mga regalong laruan ni Vice Ganda sa anak niya

Walang pag-alinlangang pumayag si Bayani at matutuwa umano sila ng kanyang asawa dahil wala silang baby sa kanilang bahay.

Kabilang sa mga tinawagan pa ni Angge ay sina Kaladkaren, Negi at Kian Cirpiano.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Angeline Quinto ay kilalang singer na kinalaunan ay gumawa na rin ng mga pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Inamin ni Angeline kamakailan na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev. Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens. Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev. Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila.

Read also

Angeline Quinto, inamin na siya ang unang nagsabing "I Love You" kay Nonrev Daquina

Ayon kay Angeline, selosa talaga siya at inamin niyang siya ang madalas magselos sa relasyon nila ng boyfriend na si Nonrev. Sa kanyang YouTube video ay kumasa sila sa "Who's most likely challenge." Aniya, parang napagseselosan niya halos lahat hindi lang sa relasyon kundi maging sa kanyang mga kaibigan. Inamin niya rin na sensitive daw siya at natatamaan umano siya pag naririnig niya ang balat sibuyas..

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel