Angeline Quinto, inamin na siya ang unang nagsabing "I Love You" kay Nonrev Daquina

Angeline Quinto, inamin na siya ang unang nagsabing "I Love You" kay Nonrev Daquina

- Inamin ni Angeline Quinto na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Ito ay kanyang naibahagi sa YouTube video ni Luis Manzano kung saan nakapanayam niya sina Angeline at Nonrev sa kanyang segment na Luis Listens

- Ito umano ang kauna-unahang panayam na pinaunlakan nilang magkasama lalo at mahiyain umano si Nonrev

- Nakwento din ng dalawa ang kanilang problemang pinagdaanan kabilang na ang pagtutol ng manager ni Angeline sa relasyon nila

Aminado si Angeline Quinto na siya ang unang nagsabi ng "I love you" sa kanyang karelasyon na si Nonrev Daquina. Nakwento niya ito sa panayam sa kanya ni Luis Manzano sa kanyang YouTube channel segment na Luis Listens.

Angeline Quinto, inamin na siya ang unang nagsabing "I Love You" kay Nonrev Daquina
Angeline Quinto, inamin na siya ang unang nagsabing "I Love You" kay Nonrev Daquina (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Seth Fedelin, hindi inatrasan ang mga tanong sa lie detector test

Ayon kay Angge, matapos nilang magkasama ay naging malapit silang dalawa at nang magpasalamat si Nonrev sa kanya ay nasabi niyang I love you sa text message.

Nabahagi din nilang ayaw ng manager ni Angeline kay Nonrev noong una. Pinaalam din umano ni Angeline kay Nonrev ang problema.

Pinaglaban nila at pinaliwanag nila sa manager ni Angeline ang tungkol sa kanilang totoong pagmamahalan. Nang magkaroon umano sila ng anak ay natanggap na rin nito si Nonrev.

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Sa kanyang unang pagdiriwang ng Mother's Day, isang sorpresa ang inihanda ng partner ni Angeline sa kanya. Mismong ang kanyang partner ang punong-abala sa paghahanda para sa kanilang pagdiriwang. Naroroon din ang nanay ng kanyang partner at iba pang kaibigan ni Angeline kagaya ni Vice Ganda. Abot-abot naman ang pasasalamat ni Angeline sa effort ng kanyang boyfriend na aniya ay maagang nagising.

Read also

Cedric Lee sa pagkakakulong ni Vhong Navarro: “He can't hide anymore"

Ayon kay Angeline, selosa talaga siya at inamin niyang siya ang madalas magselos sa relasyon nila ng boyfriend na si Nonrev. Sa kanyang YouTube video ay kumasa sila sa "Who's most likely challenge." Aniya, parang napagseselosan niya lahat hindi lang sa relasyon kundi maging sa kanyang mga kaibigan. Inamin niya rin na sensitive siya at natatamaan umano siya pag naririnig niya ang balat sibuyas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel