Seth Fedelin, hindi inatrasan ang mga tanong sa lie detector test

Seth Fedelin, hindi inatrasan ang mga tanong sa lie detector test

- Kumasa si Seth Fedelin sa lie detector test kung saan mismong mga kasamahan niya sa "The Squad 2022" ang nagbasa ng tanong para sa kanya

- Kabilang sa naitanong sa kanya ay ilang bagay tungkol sa kanyang personal na buhay kagaya ng kanyang pakikipagrelasyon

- Naitanong din sa kanya kung totoo bang nagka-crush siya kay Francine Diaz noon at agad ding inamin ni Seth iyon

- Ayon sa lie detector, nagsasabi ng totoo si Seth nang aminin niyang nagka-crush siya noon kay Francine

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sumalang si Seth Fedelin sa lie detector test at isa-isa nitong sinagot ang mga katanungan sa kanya ng mga kasamahan. Sa video ng YouTube channel ng "The Squad 2022," naitanong sa kanya kung totoo bang nagka-crush siya kay Francine Diaz noon at agad ding umamin ni Seth.

Read also

Ion Perez, sinorpresa si Vice Ganda ng bagong massage chair

Seth Fedelin, hindi inatrasan ang mga tanong sa lie detector test
Seth Fedelin, hindi inatrasan ang mga tanong sa lie detector test (@imsethfedelin)
Source: Instagram

Tila hindi naman nagulat si Francine sa sagot ni Seth at nagkwento pa na dati pa daw iyon. Agad naman siyang pinigilan ni Seth tuwing magkukuwento si Francine tungkol dito.

Marami naman ang kinilig sa pag-amin na ito ni Seth at reaksiyon ni Francine sa naging sagot ni Seth.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Seth Yancy Fronda Fedelin ay isang Pinoy actor at performer. Una siyang nakilala sa showbiz nang maging bahagi siya ng Pinoy Big Brother: Otso. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng ilang mga teleserye kagaya ng Kadenang Ginto at Huwag Kang Mangamba.

Matatandaang matapos ang pagbati ni Andrea Brillantes kay Seth sa bagong show nila ni Francine Diaz na Dirty Linen, si Kyle Echarri naman ang naghayag ng kanyang pagsuporta. Sa isang panayam ay sinabi niyang proud at masaya siya para sa kanyang mga kaibigan. Naniniwala siyang alam umano ng kanilang management kung ano ang mas makakabuti para sa kanila. Hinimok niya din ang mga tagasuporta nila at maging ng tambalan nila ni Francine na tanggapin at suportahan ang bagong tambalan.

Sa ginanap na Blogcon para sa Lyric and Beat nina Andrea at Seth, natanong sa kanila kung pipiliin nilang magkatambal uli. Diretsahang sinabi ni Andrea na hindi na siguro sa kasalukuyan dahil may naipareha na kay Seth at para din umano sa mga fans nila. Aniya, dadating naman ang panahon na magkakatrabaho sila uli ngunit kung siya ang masusunod ay ayaw na muna sana niya. Anila ang Lyric and Beat ang huling project na pagsasamahan ng tambalang SethDrea.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel