Ion Perez, pinasilip ang kaganapan sa kanyang birthday dinner

Ion Perez, pinasilip ang kaganapan sa kanyang birthday dinner

- Binahagi ni Ion Perez ang video ng kanyang birthday dinner na dinaluhan ng mga malalapit na tao sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Maliban sa kanyang mga kasamahan sa It's Showtime, naroroon din ang malapit na kaibigan ni Vice Ganda kagaya nina Karla Estrada, MC, Lassy at Tonton

- Naroon din ang mga kaibigan niya at kasamahan sa kanyang nakahiligang gawin sa kasalukuyan at iyon ay ang pagbibisikleta

- Kabilang naman ang ina nila ni Vice Ganda sa nagbigay ng mensahe para sa kanya

Pinasilip ni Ion Perez ang ginanap na birthday dinner para sa kanya noong Nobyembre. Kabilang ang mga malalapit na kabigan at pamilya nila ni Vice Ganda sa mga dumalo sa naturang dinner.

Ion Perez, pinasilip ang kaganapan sa kanyang birthday dinner
Ion Perez, pinasilip ang kaganapan sa kanyang birthday dinner @pereziion27)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naroroon din ang kasamahan nila sa It's Showtime kagaya nina Amy Perez, Ogie Alcasid, Ryan Bang at Jacky Gonzaga. Bukod sa kanila ay inimbitahan din ni Ion ang mga taong aniya ay nagparamdam sa kanya na welcome siya sa It's Showtime at ito ay ang mga nasa wardrobe team.

Maliban sa kanyang mga kasamahan sa trabaho, naroroon din ang malapit na kaibigan ni Vice Ganda kagaya nina Karla Estrada, MC, Lassy at Tonton.

Marami naman ang natuwa sa mensahe ng ina nila Ion at Vice dahil bukod sa kanilang pagmamahal ay inihayag ang kanilang suporta sa relasyon ng dalawa.

Si Benigno Dungo Perez o mas kilala sa kanyang screen name na Ion Perez ay isang aktor, model, at TV host. Una siyang sumikat sa bansag na Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Sa kasakuluyan ay isa siya sa mga regular host ng It's Showtime.

Ipinakita ni Ion ang kanyang pamamahagi ng biyaya sa kanyang mga kalugar sa Tarlac. Sa kanyang binahaging video ay umuwi siya sa kanilang lugar at namahagi ng bigas sa 50 na tao mula sa kanilang lugar. Nagpakain din siya ng lugaw at sandwich sa ilan sa mga tao sa kanilang lugar bilang bahagi ng kanyang feeding program. Marami ang humanga sa kanya dahil sa kabila ng kanyang kasikatan ay hindi nito nakakalimutang magbahagi ng biyaya.

Pinakita din ni Ion ang kanilang naging biyahe papuntang Amerika kamakailan. Ito ay para sa series of concert ni Vice Ganda sa Amerika na pinamagatang "Fully Vicenated." Makikita sa video ang kanilang naging paghahanda bago ang kanilang flights hanggang sa makarating sila sa Los Angeles. Matatandaang sa mga naunang mga concert ni Vice Ganda ay nakasama niya na rin si Ion.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel