Andrea Brillantes at Seth Fedelin, ayaw na munang magkatrabaho bilang magkapareha

Andrea Brillantes at Seth Fedelin, ayaw na munang magkatrabaho bilang magkapareha

- Sa ginanap na Blogcon para sa Lyric and Beat nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, natanong sa kanila kung pipiliin nilang magkatambal uli

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Diretsahang sinabi ni Andrea na hindi na siguro sa kasalukuyan dahil may naipareha na kay Seth at para din umano sa mga fans nila

- Aniya, dadating naman ang panahon na magkakatrabaho sila uli ngunit kung siya ang masusunod ay ayaw na muna sana niya

- Anila ang Lyric and Beat ang huling project na pagsasamahan ng tambalang SethDrea

Para kay Andrea Brillantes, naging komplikado na ang bagay-bagay sa pagitan ng Gold Squad kaya aniya kung siya ang papipiliin ay ayaw na muna niyang makatambal si Seth Fedelin.

Gayunpaman, alam niya raw na darating ang pagkakataon na muli silang magkakatrabaho sa hinaharap at ayos lang naman umano sa kanya iyon.

Read also

Gladys Reyes, kahanga-hanga ang diskarte sa kanilang negosyo sa gitna ng pandemya

Andrea Brillantes at Seth Fedelin, ayaw na munang magkatrabaho bilang magkapareha
Andrea Brillantes at Seth Fedelin, ayaw na munang magkatrabaho bilang magkapareha (@blythe)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Paglilinaw ni Andrea, maging ang mga fans nila ay naapektuhan sa pangyayari kaya hangga't maari ay huwag na daw muna silang ipareha ni Seth lalo at may iba nang naipareha sa kanya.

Ayon kay Andrea, ramdam na ramdam niya ang stress ng mga fans nila. Kung siya umano ang masusunod ay ito na muna ang huli nilang project ni Seth.

Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa mga kontrabida role kagaya ng kanyang pagganap bilang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.

Nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos. Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto. Kaugnay ito sa pahayag ni Andrea kaugnay sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media. Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya.

Read also

Gladys Reyes, walang maisip na rason para maghiwalay sila ni Christopher Roxas

Ayon kay Andrea, hindi niya sadya ang pagbe-baby talk niya na talaga namang palaging nagte-trending. Aniya, hindi niya napapansin na ganun na siya magsalita at minsan ay nagugulat na lamang siya kapag inaasar na siya ng mga tao. Noong bata umano siya ay kulang umano siya sa pansin kahit bunso siya at hindi siya lumaki sa mga magulang niya. Nababago lang umano niya ito kapag nasa trabaho siya at may role siyang kailangang gampanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel