Gladys Reyes, nakaka-inspire ang diskarte sa mga negosyo sa gitna ng pandemya

Gladys Reyes, nakaka-inspire ang diskarte sa mga negosyo sa gitna ng pandemya

- Ibinahagi ni Gladys Reyes gayundin ng mister niyang si Christopher Roxas ang pinagkaabalahan nila sa kasagsagan ng pandemya

- Ito ay matapos na matanong sila ni Ogie Diaz kung naranasan na ba nilang 'sumadsad' ang kabuhayan

- Laking pasasalamat umano nila na sa kabila ng pahirap ng COVID-19, patuloy pa rin ang kanilang mga food business

- Nabanggit din niya na maging ang online acting workshop ay nadiskubre niyang gawin bilang karagdagang raket niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kahanga-hanga ang diskarte sa buhay ni Gladys Reyes gayundin ng mister niyang si Christopher Roxas.

Gladys Reyes, mas kinarir ang mga negosyo sa gitna ng pandemic
Gladys Reyes (@iamgladysreyes)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na naibahagi ng mag-asawa ang kanilang pinagkaabalahan at napagkakitaan noong kasagsagan ng pandemya.

Sa panayam sa kanila ni Ogie Diaz, natanong sa mag-asawa kung naranasan na ba nilang sumadsad ang kanilang kabuhayan.

"If we're talking about sumadsad, sa totoo lang Kuya Ogs, wala akong maalala awa ng Diyos," sagot ni Gladys.

Read also

Pokwang, sinabing si Alden Richards ang pinakamabait na nakatrabaho niya

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Doon niya naikwento ang iba't ibang raket nila noong pandemic na bukod sa food business, aminado marami rin umano siyang kinita sa mga endorsements.

"Nagulat ako, parang ilang buwan kong taping!" ani Gladys patungkol sa kanyang talent fee at hindi pa raw umano siya puyat hindi tulad sa tapings ng shows.

Gayundin ang mga food business nila na ginawa nilang online transactions at mayroon na ring delivery.

Pinasok din ni Gladys ang pagpapa-online workshop kung saan maging ang mga interesadong sumali na taga ibang bansa ay nakakadalo pa rin.

"Ang dami naming na-discover na pwedeng gawin 'nung pandemic. Kaya awa ng Diyos, yung sadsad, Salamat sa Diyos kasi hindi," pasasalamat ni Gladys.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Gladys Reyes ay isang Filipina actress. Una siyang nakilala sa karakter na 'Clara' na siyang naging teleserye nila ni Judy Ann Santos noong 90's. Doon din niyang nakasama ang kanya na ngayong mister na si Christopher Roxas. Nabiyayaan sila ng apat na mga anak.

Read also

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian; "We're friends"

Sa unang panayam sa kanya ng KAMI, Nagbahagi pa rin siya ng ilang mga netizens ang kanilang tips para sa lasting relationship.

Masasabing Tunay na nakaka-inspire ang kanilang love story dahil sa kabila ng mga showbiz couples na naghihiwalay, sina Gladys at Christopher ay nananatiling matatag sa mga pagsubok ng kanilang pagsasama.

Sa ngayon, abala pa rin sila ng kanya-kanilang mga negosyo na labis nilang pinagsasalamatan lalo na sa kasagsagan 2022.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel