Gladys Reyes, walang maisip na rason para maghiwalay sila ni Christopher Roxas

Gladys Reyes, walang maisip na rason para maghiwalay sila ni Christopher Roxas

- Naging emosyonal si Gladys Reyes nang mapag-usapan nila ni Ogie Diaz ang halos 30 taong relasyon niya kay Christopher Roxas

- Wala umano siyang maisip na posibleng dahilan ng kanilang paghihiwalay

- Aniya, siguro ay naging mabait na tao siya para mabiyayaan umano siya ng isang mabait na mister

- Naikwento rin ng dalawa na malaki ang pasasalamat nila dahil noong kasagsagan ng pandemya, pumatok naman ang ilan nilang mga negosyo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilang maluha ni Gladys Reyes nang mapag-usapan nila ni Ogie Diaz ang tungkol sa halos tatlong dekada nilang pagsasama.

Gladys Reyes, walang maisip na rason para maghiwalay sila ni Christopher Roxas
Gladys Reyes and Christopher Roxas @iamgladysreyes)
Source: Instagram

Ayon kay Gladys, wala umano siyang maisip na dahilan para sila ay magkahiwalay pa ng mister na si Christopher Roxas.

"Wala akong maisip. Kasi parang ang hirap gumising na tapos hindi mo na kasama 'yung taong 'yun dahil sa isang pagkakamali na 'yun," ani Gladys.

Read also

Andrea Brillantes at Seth Fedelin, ayaw na munang magkatrabaho bilang magkapareha

Ayon naman kay Ogie Diaz, malaki pa rin ang naging bahagi ni Gladys sa pagiging mabuting asawa ng kanyang mister.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dahil dito, malaki ang pasasalamat ni Gladys kay Christopher lalo na talagang 'matured' na ito na mag-isip para sa kanilang pamilya.

Si Gladys Reyes ay isang Filipina actress. Una siyang nakilala sa karater na 'Clara' na siyang naging teleserye nila ni Judy Ann Santos noong 90's. Doon din niyang nakasama ang kanya na ngayong mister na na si Christopher Roxas. Nabiyayaan sila ng apat na mga anak.

Sa unang panayam sa kanya ng KAMI, Nagbahagi pa rin siya ng ilang mga netizens ang kanilang tips para sa lasting relationship.

Masasabing Tunay na nakaka-inspire ang kanilang love story dahil sa kabila ng mga showbiz couples na naghihiwalay, sina Gladys at Christopher ay nananatiling matatag sa mga pagsubok ng kanilang pagsasama.

Read also

Gladys Reyes, kahanga-hanga ang diskarte sa kanilang negosyo sa gitna ng pandemya

Sa ngayon, abala pa rin sila ng kanya-kanilang mga negosyo na labis nilang pinagsasalamatan lalo na sa kasagsagan 2022.

Patok din ang kanyang mga videos kung saan siya'y nakakapag-hula-hoop sa ilan.

Samantala, Maski siinakakaabangan ng marami ang mga video ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad na nagbibigay inspirasyon sa marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel