Cristy Fermin, idinetalye ang umano'y naging karamdaman ni Cherie Gil

Cristy Fermin, idinetalye ang umano'y naging karamdaman ni Cherie Gil

- Idinetalye ni Cristy Fermin ang umano'y naging karamdaman ni Cherie Gil bago ito namayapa

- Aniya, ito ang dahilan kung bakit hindi na natuloy ang pagiging bahagi nito ng seryeng 'Legal Wives' sa GMA

- Nagsimula umano ang sakit ni Cherie sa tumubong bukol sa likod na nadagdagan pa umano sa ibang bahagi ng kanyang katawan

- Agosto 5 nang gumulantang sa publiko ang pagpanaw ng batikang aktres na si Cherie Gil

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y naging karamdaman ni Cherie Gil na kumitil sa kanyang buhay.

Cristy Fermin, idinetalye ang umano'y naging karamdaman ni Cherie Gil
Cherie Gil (@macherieamour)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na hindi isinapubliko ng aktres ang kanyang karamdaman hanggang sa noong Nobyembre ng 2021, nagdesisyon na itong hindi tumuloy sa teleseryeng ginagawa sa GMA ang 'Legal Wives.'

Read also

Ogie Diaz, kusang manonood ng Katips; "kami 'di kailangan ng passes"

"Maraming taon na na iniinda niya yung kanyang bukol sa likuran. Lumalaki, kumikirot kaya pinatanggal niya. Nung ipa-biopsy po ay napatunayang cancerous," ani Cristy.
"So last year po Nobyembre, nabalita yun e na hindi na siya kasali sa 'Legal Wives.' Kung ano-anong katwiran po ang lumulutang. Pero ang totoo, gusto na po niyang tutukan ang kanyang gamutan sa New York," paglilinaw pa ni Cristy.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"'Yun palang manifestation ng kanyang bukol sa likuran at nanggaling sa uterus, lumundag na. 'Pag galing sa uterus at kapag ang tinamaan na ay ang uterus, 'yun na 'yun. Kung anong stage na yun, last stage na 'yun," dagdag pa niya.
"Pagkatapos po ng bukol sa likod, manifestation yun dito lumabas. Sumunod na po ang kanyang mga buto. Ang bone marrow po niya ay kinakain na. Nanghina na po siya ng todo. Hanggang sa nadiskubre po na mayroon siyang tatlong bukol sa ulo."

Read also

Mama Loi, nabanggit ang malaking tulong ni Ogie Diaz kay Andrew Schimmer

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Cristy na nakikiramay din umano sa pamilyang naiwan ng batikang aktres na si Cherie Gil:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin niya ang namayagpag sa radyo at telebisyon.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na balita sa mundo ng showbiz sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel