Cristy Fermin, sinabing selosa umano si Angeline Quinto

Cristy Fermin, sinabing selosa umano si Angeline Quinto

- Nabanggit ni Cristy Fermin na selosa umano ang singer-actress na si Angeline Quinto

- Nasabi pa niyang insecure umano ito lalo na at may nauna nang mga anak sa iba ang fiancé nitong si Nonrev Daquina

- Napag-usapan din nila sa Showbiz Now Na! ang dahilan bakit madalas na ma-bash umano si Nonrev sa kabila ng planong pagpapakasal nila ni Angeline

- Marami rin umano ang nagpapayo sa singer na magkaroon ng prenuptial agreement bago tuluyang magpakasal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

'Selosa' raw umano ang singer-actress na si Angeline Quinto ayon sa Cristy Fermin.

Cristy Fermin, sinabing selosa umano si Angeline Quinto
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Facebook

Isa ito sa kanilang mga napag-usapan nina Morly Alinio at Wendell Alvarez sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na!

Nalaman ng KAMI na 'insecure' di umano si Angeline ayon kay Cristy, dahil raw sa may nauna nang mga anak si Nonrev bago pa nito makilala si Angeline.

Read also

Cristy Fermin kay Karla Estrada; "Na-overwhelm, hindi kinaya ang dating ng pera"

"Napaka-insecure pala ni Angeline, selosa. Ayaw na ayaw niya na alam mo na. 'Pag nararamdaman niya. Insecure pala siya baka siya, iwanan" ani Cristy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"'Yan ang problema 'pag may anak na sa una at karelasyon na 'yung lalake. 'Di ba mayroon na siyang dalawang anak sa una bago si Angeline. Natural 'yung insecurity nasa puso niya. Kung kinaya niyang iwan yung dalawa, pwede rin niyang gawin sa akin 'yun," dagdag pa ni Cristy.

Napag-usapan din nila ang umano'y mga bashers ng fiancé na nagsasabing sana'y magkaroon ng pre-nuptial agreement ang dalawa.

"Kaya pala bina-bash na, Angeline matakot ka. Baka pera lang ang gustong makuha niyan. Mag-ingat ka at kung pakakasalan ka, may prenuptial dapat yan kasi mamaya lahat ng meron ka mapunta lang sa kanya," ani Cristy.

Read also

Cristy Fermin, sinabing kinukuwestiyon umano ni Kris Aquino ang kanyang mga doktor sa Amerika

Narito ang kabuuan ng kanilang chikahan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin ay isa sa mga batikang showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin niya ang namayagpag sa radyo at telebisyon.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na balita sa mundo ng showbiz sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Ilan sa mga talaga namang pinag-usapan mula sa kanyang mga talkshows kamakailan ay ang pasabog nito na buntis 'di umano si AJ Raval na agad na pinabulaanan ng aktres. Gayundin ang kalagayan umano ni Kris Aquino na patuloy ang pagpapagamot sa Amerika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel