Cristy Fermin, sinabing kinukuwestiyon umano ni Kris Aquino ang kanyang mga doktor sa Amerika

Cristy Fermin, sinabing kinukuwestiyon umano ni Kris Aquino ang kanyang mga doktor sa Amerika

- Nagbigay ng update si Cristy Fermin kaugnay sa kalagayan ni Kris Aquino sa pagpapagamot nito

- Aniya, madalas daw nitong kuwestiyunin o kontrahin ang mga doktor nito sa Amerika

- Ayon kina Cristy, sana'y sa maayos na paraan ito nasasabi ni Kris gayung malaki ang posibilidad na mainsulto umano ang mga propesyunal na tumitingin sa kanya

- Kamakailan, nasabi ni Cristy na si Kris umano'y may histrionic disorder na ayaw na bastang papatalo kanino man

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Cristy Fermin sa kanyang channel na Showbiz Now Na! ang umano'y gawi ni Kris Aquino sa pagpapagamot nito sa Amerika.

Cristy Fermin, sinabing kinukuwestiyon umano ni Kris Aquino sa kanyang mga doktor sa Amerika
Cristy Fermin (Showbiz Now Na)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nakarating umano kina Cristy na tila kinokontra at kinukuwestiyon ni Kris ang mga ginagawa sa kanya ng kanyang mga doktor.

"Kahit noong dito pa po nagpapagamot si Kris, andami nang kwento... andaming reklamo," bungad ni Cristy.

Read also

Cristy Fermin kay Karla Estrada; "Na-overwhelm, hindi kinaya ang dating ng pera"

"Ngayon, unti-unti na pong naglalabasan na si Kris daw po, kapag pinapayuhan ng kanyang mga doktor, kinokontra... Kinukuwestiyon kung para saan 'yon, para kanino, bakit. Natural lamang po 'yun. Katawan naman niya iyon," ani Cristy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Pero 'di ba ang mga doktor, nao-offend naman pagka ganoon 'di ba?" dagdag pa niya.

Gayunpaman, paalala ni Cristy na sana'y sa maganda umanong paraan nagtanong si Kris.

Lalo pa at sinabi ni Cristy na si Kris ay mayroon umanong histrionic disorder na hindi basta-bastang papatalo kanino man.

Matatandaang nasa Houston, Texas ang Queen of all Media dahil sa kanyang pagpapagamot ng kumpirmadong tatlong autoimmune condition.

Narito ang kabuuan ng pahayag nina Cristy kay Kris mula sa YouTube channel nilang 'Showbiz Now Na!':

Si Cristy Fermin naman ay isang veteran showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Read also

Ogie Diaz sa engagement nina Angeline at Nonrev; "'Wag nang gawing isyu 'yan!'

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na showbiz balita sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Kamakailan, nasabi ni Cristy sa kanyang YT channel na maaring maglabas ng pahayag si Kris Aquino sa pagpapalabas ng pelikulang 'Maid in Malacañang' na mapapanood simula August 3 sa mga sinehan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel