Cristy Fermin kay Karla Estrada; "Na-overwhelm, hindi kinaya ang dating ng pera"

Cristy Fermin kay Karla Estrada; "Na-overwhelm, hindi kinaya ang dating ng pera"

- Nagbigay pahayag si Cristy Fermin patungkol kay Karla Estrada at sa umano'y pagbabago nito

- Inalala rin niya ang pagsisimula pa lamang ng aktres at TV host sa showbiz kung saan sumasama pa ito sa kanilang mga shows

- Ayon pa kay Cristy, tila nakalimot na raw ito sa ilang mga taong dati niyang nalapitan sa panahong siya ay nagsisimula pa lamang

- Tila sumabay daw ito sa pagsikat ng anak na si Daniel Padilla at mula raw noon, marami na rin umano itong nakalimutan sa mga dati niyang kaibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Tahasang sinabi ni Cristy Fermin ang kanyang saloobin sa ipinakikitang pag-uugali di umano ni Karla Estrada.

Cristy Fermin kay Karla Estrada; "Na-overwhelm, hindi kinaya ang dating ng pera"
Karla Estrada (@karlaestrada1121)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na isa umano ito sa artistang nilarawan niyang 'na-overwhelm' at hindi umano kinaya ang tinatamasang salapi' ngayon.

Ayon kay Cristy at mga kasama niya sa Showbiz Now Na! na sina Morly Alinio at guest host na si Wendell Alvarez, kapansin-pansin umano ang pagbabago ni Karla buhat nang tuluyang makaangat sa buhay.

Read also

Cristy Fermin, sinabing kinukuwestiyon umano ni Kris Aquino ang kanyang mga doktor sa Amerika

Noong nag-uumpisa umano ito sa showbiz, lahat daw ay kinakaibigan ni Karla. Ngunit, bungad ni Morly, malaki na raw ang ipinagbago nito ngayon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Pero nung nagkapangalan ang anak na si Daniel Padilla, doon lumobo ang ulo niya," paglalarawan ng co-host ni Cristy.

Inalala naman ni Wendell ang dating halos kumupkop kay Karla na si 'Mama Fely.'

"Humihingi siya 'pag sinabing pahingi ng ulam, bibigay kaagad ng ulam. Ngayon, 'di na niya masabihan ng Happy Birthday o Merry Christmas... Wala!" kwento ni Wendell.

"Samantalang dati kapag may mga shows tayo, umaangkas siya kahit Php2,000 na talent fee... Nung sumikat si Daniel, nahawa siya sa pagsikat, doon nagsimula 'yung kanyang paglobo," ayon naman kay Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel nilang 'Showbiz Now Na!'

Read also

Ogie Diaz sa engagement nina Angeline at Nonrev; "'Wag nang gawing isyu 'yan!'

Si Cristy Fermin ay isang batikang showbiz columnist at reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, ilang talk shows na rin ang kanyang pinagbidahan kung saan mahihinuha ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pagbibigay ng maiinit na balita sa mundo ng showbiz sa kanyang radio program na Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na!

Ilan sa mga labis na pinag-usapan mula sa kanyang mga talkshows ay ang pasabog nito na buntis 'di umano si AJ Raval na agad na pinabulaanan ng aktres. Gayundin ang kalagayan umano ni Kris Aquino na patuloy ang pagpapagamot sa Amerika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel