Pokwang, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bagong panimula

Pokwang, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bagong panimula

- Nagbahagi si Pokwang ng mensahe sa Twitter kaugnay sa pagtatapos ng ilang bagay para umano makapagsimula ng bago

- Handa na umano siyang tumanggap ng mga biyaya sa kanyang bagong panimula

- Wala itong binanggit na bagay kaugnay sa kanyang mensahe ngunit marami sa kanyang mga followers sa Twitter ang naghayag ng kanilang suporta para kay Pokwang

- Matatandaang kamakailan ay inamin ni Pokwang ang tungkol sapaghihiwalay nila ni Lee O'Brian ngunit maayos umano silang naghiwalay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi si Pokwang ng quote tungkol sa pagtatapos ng ilang bagay para umano makapagsimula ng bago. Aniya, handa na umano siyang tumanggap ng mga biyaya sa kanyang bagong panimula.

Pokwang, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bagong panimula
Pokwang, nagbahagi ng mensahe tungkol sa bagong panimula (@itspokwang27)
Source: Instagram

Marami sa kanyang mga followers sa Twitter ang naghayag ng kanilang suporta para kay Pokwang. Mayroon ding mga hindi positibong mga komento ngunit hindi na ito pinag-aksayahan ng oras ni Pokwang.

Read also

Ethel Booba, pinakita ang mga regalong laruan ni Vice Ganda sa anak niya

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay kilala bilang isang komedyante, TV host at performer. Naging bahagi siya ng ilang palabas kagaya ng Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey kung saan siya ay isa sa mga naging host. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018. Siya ang naging bunga ng pagmamahalan nila ng Amerikanong si Lee O'Brian.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang kinumpirma ng malapit na kaibigan ni Pokwang na si Ogie Diaz ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee. Matagal na niya umanong alam ang tungkol dito ngunit bilang respeto kay Pokwang ay hindi niya ito nababanggit sa kanyang Showbiz Update. Gayunpaman, dahil lumabas na rin ang balita ay minabuti niyang linawin ang balita para hindi na rin umano magsanga-sanga ang isyu. November pa noong nakaraang taon umano nagkahiwalay ang dalawa at kasalukuyang nakatira sa bukod na bahay si Lee.

Nag-post si Lee ng picture ng kanyang anak na si Malia O'Brian sa gitna ng paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Pokwang. Tinawag niyang angel ang kanyang anak na si Malia na kanyang pinasalamatan sa umano'y pagpapangiti nito sa kanya. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay tuloy na nagbabahagi si Lee ng mga pictures nilang mag-ama na tumutugma sa pahayag ni Pokwang na nakakapunta si Lee sa kanila upang makasama ang anak. Nauna na ring nilinaw ni Pokwang na walang third party na sangkot sa kanilang desisyon na maghiwalay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel