Wil Dasovich, inamin na mas nagiging creative kapag malungkot siya

Wil Dasovich, inamin na mas nagiging creative kapag malungkot siya

- Ayon kay WIl Dasovich, lumalabas ang kanyang pagiging creative kapag may pinagdadaanan siya

- Ito ay kanyang nabanggit sa kanyang podcast sa Spotify kung saan nakasama at nakausap niya ang kaibigang si Daniel

- Nilinaw ni Wil Dasovich na hindi niya mailalarawan bilang kalungkutan ang kanyang nararamdaman

- Ito ay kaugnay ito sa mga nangyari nitong nakaraang araw sa taong naging bahagi ng kanyang buhay na hindi na rin niya pinangalanan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Wil Dasovich na naipapalabas niya sa kanyang story telling ang kanyang creativity tuwing may pinagdadaanan siya. Ito ay kanyang nabanggit sa kanyang podcast sa Spotify kung saan nakasama at nakausap niya ang kaibigang si Daniel.

Wil Dasovich, kinuwento ang reaksiyon nina Erwann at Nico Bolzico nang magkita sila
Wil Dasovich, kinuwento ang reaksiyon nina Erwann at Nico Bolzico nang magkita sila (@wil_dasovich)
Source: Instagram

Aniya, kapag malungkot siya ay nagiging outlet niya ang kanyang mga videos kaya marami ang mga nakaka-relate sa kanyang pagkukuwento.

Read also

Vanessa Raval, naglabas ng saloobin kaugnay sa umano'y pagtanggi sa kanya

Ito umano ang dahilan kung bakit tinatanggap niya ang kanyang kalungkutan. Aniya sa kanyang pinagdadaanan iniisip niyang isa lamang siya sa bilyon-bilyong tao at marami ring mga tao na may problema kagaya niya. Ito ay naibahagi niya sa kanyang podcast kung saan nakasama at nakausap niya ang kaibigang si Daniel.

Si Wil Dasovich ay isang Filipino-American television personality, model, at vlogger. Nakilala siyang isa sa pinakaunang gumagawa ng YouTube video at naging bahagi siya ng Pinoy Big Brother.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang naunang ibinahaging video, nagkita nang personal sina Wil at Nuseir Yassin o mas kilala bilang si Nas Daily. Ito ang kanilang unang pagkikita matapos ang kontrobersiyal na podcast ni Nas kamakailan kung saan tinawag niyang dormant news channel si Wil. Sa kanilang pag-uusap, nilinaw ni Nas na simpleng pag-uusap lamang nila iyon at ikinagulat niya ang naging reaksiyon ng publiko kaugnay sa kanilang pag-uusap. Nilinaw din ni Wil na sadyang ganoon lamang ang kanilang biruan.

Samantala, binahagi ni Wil ang video ng kanyang pagpapakilala sa rumored gf niyang si Carla Humphries sa kanyang pamilya. Nauna na niyang naipakilala si Carla sa kanyang kapatid na si Haley Dasovich at base sa kanyang reaksiyon ay masaya ito na makilala si Carla. Ayon kay Carla, kahit unang beses pa lang niyang nakita sa personal ang pamilya ni Wil ay pakiramdam umano niya na matagal na silang magkakakilala. Masaya namang tinanggap ng mga magulang ni Wil si Carla na nakita umano nila sa mga naunang vlog ng anak

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel