AJ Raval, nagpositibo umano sa COVID; tinangging buntis siya

AJ Raval, nagpositibo umano sa COVID; tinangging buntis siya

- Sinabi ni AJ Raval na hindi umano totoong buntis siya kagaya sa mga lumabas na bali-balita

- Hindi umano totoong may hindi siya natapos na pelikula dahil sa napapabalitang pagdadalantao niya

- Ang dahilan umano ng kanyang pagtigil ay nagpositibo umano siya sa COVID kagaya ng iba nilang kasamahan sa naturang pelikula

- Samantala, wala pa ring nilalabas na pahayag si Aljur kaugnay sa lumabas na isyu

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinabulaanan ni AJ Raval na buntis siya kagaya sa lumabas na balita. Sa kanyang mensaheng pinadala sa Frontline Pilipinas, itinanggi niyang may hindi siya natapos na pelikula dahil sa napapabalitang pagdadalantao niya.

AJ Raval, nagpositibo umano sa COVID; tinangging buntis siya
AJ Raval, nagpositibo umano sa COVID; tinangging buntis siya (@ajravsss)
Source: Instagram

Nilinaw ng aktres na nagpositibo umano siya sa COVID-19 kaya hindi niya na natapos ang paggawa ng pelikula. Hindi pa rin naglalabas ng pahayag ang kampo ng binanggit ni Cristy Fermin na ama umano ng pinagbubuntis niya na si Aljur Abrenica.

Read also

Gina Pareño, nilinaw ang pag-amin sa pagiging LGBT; "I’m all woman! Hello!"

Matatandaang ayon kay AJ ay na-meet niya na ang mga anak nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Inilarawan din niya bilang mga mababait at matatalinong mga bata ang anak nila Kylie at Aljur.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica.

Ito ay matapos maghiwalay sina Aljur at Kylie Padilla. Una siyang nakilala sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap. Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez.

Nakwento ni AJ na nakilala niya na ang mga anak nina Kylie at Aljur. Inilarawan din niya bilang mga mababait at matatalinong mga bata ang anak nila Kylie at Aljur. Maging si Kylie umano ay nakausap niya na rin at wala umano silang problema. Matatandaang nauna na ring sinabi ni Kylie na wala siyang problema sa pakikipag-date ni Aljur kay AJ.

Read also

Dating teacher na piniling manirahan sa Italy, mahigit Php120,000 na ang kinikita kada buwan

Matatandaang kamakailan ay tahasang sinabi ni Cristy Fermin na buntis na nga si AJ. Tinukoy niyang si Aljur ang ama ng kanyang pinagbubuntis. Ayon pa kay Manay Cristy, pinanghihinayangan umano niya ang maagang pagbubuntis ni AJ.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel