AJ Raval, aminadong nakilala na ang mga anak nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla

AJ Raval, aminadong nakilala na ang mga anak nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla

- Nakwento ni AJ Raval na nakilala niya na ang mga anak nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica

- Inilarawan din niya bilang mga mababait at matatalinong mga bata ang anak nila Kylie at Aljur

- Maging si Kylie umano ay nakausap niya na rin at wala umano silang problema

- Matatandaang nauna na ring sinabi ni Kylie na wala siyang problema sa pakikipag-date ni Aljur kay AJ

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay AJ Raval, na-meet niya na ang mga anak nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Inilarawan din niya bilang mga mababait at matatalinong mga bata ang anak nila Kylie at Aljur.

AJ Raval, aminadong nakilala na ang mga anak nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Matapos ang paghihiwalay nina Aljur at Kylie, naiugnay si AJ kay Aljur kaya marami sa mga netizens ang nambatikos sa kanya. Gayunpaman, maging si Kylie ay nagsabing okay lang sa kanya na makipag-date si Aljur sa iba dahil napag-usapan na umano nila iyon.

Read also

AJ Raval, sinabing hindi pa sila official ni Aljur Abrenica pero papunta na rin daw doon

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Kylie umano ay nakausap niya na rin at wala umano silang problema.

Ayon pa kay AJ, parang normal na lang sa kanyang pamilya ang mga atensiyon na ito ng tao sa kanya. Aniya, kahit anong gawin niya ay may masasabi pa rin ang mga tao sa kanya kaya napag-isip-isip niyang gawin na lang ang magpapasaya sa kanya.

Komportable na rin umano siya sa mga pinapagawa sa kanyang mga eksena sa kanyang ginagawang pelikula dahil mga propesyonal naman daw ang mga nakakatrabaho niya at alam nilang trabaho lamang ang kanilang ginagawa.

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica. Ito ay matapos maghiwalay sina Aljur at Kylie Padilla. Una siyang nakilala sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap.Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez.

Read also

Cristy Fermin, todo-todo ang papuri sa kabutihan ni Angel Locsin

Kamakailan ay sinabi ni Jeric na nagmamahalan lamang sina AJ at Aljur at hindi niya ito hahadlangan.

Samantala para kay Cristy Fermin, walang naniniwala sa pag-deny ni AJ kaugnay sa umano'y relasyon nila ni Aljur.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel