AJ Raval, sinabing hindi pa sila official ni Aljur pero papunta na rin daw doon

AJ Raval, sinabing hindi pa sila official ni Aljur pero papunta na rin daw doon

- Sa kabila ng mga lumabas na mga pahayag ni Jeric Raval, nanindigan si AJ Raval na hindi pa sila official na magkarelasyon ni Aljur Abrenica

- Gayunpaman, aniya ay naniniwala siyang doon na rin sila papunta dahil nagkakilala na rin sila nang maayos

- Aniya, dahil sa kanilang pagiging bukas sa publiko ay kaya sila napahamak ni Aljur

- Kahit noong umpisa umano ay hindi nila itinago kapag lumalabas sila kaya sila na-bash ng mga netizens

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay AJ Raval, hindi pa sila official na magkarelasyon ni Aljur Abrenica ngunit naniniwala siyang papuntana rin sila doon. Ito ay sa kabila ng pahayag ni Jeric Raval na nagmamahalan sila ni Aljur.

AJ Raval, sinabing hindi pa sila official ni Aljur pero papunta na rin daw doon
AJ Raval (@ajravsss)
Source: Instagram

Aniya, una pa lang ay hindi sila nag-deny ni Aljur at wala silang itinago kaya sila nabatikos. Naging open umano sila masyado sa public.

Read also

Cristy Fermin, todo-todo ang papuri sa kabutihan ni Angel Locsin

Matagal na rin umano nilang kinikilala ang isa't-isa na umabot na sa mahigit kalahating taon. Wala naman umanong naging problema sa kanila ng kanyang pamilya at ang mga tao lang naman umano ang nagpalaki ng isyu.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang sa unang ulat ng Kami, aminado si Jeric Raval na nasasaktan siya kapag tinatawag na kabit ang kanyang anak na si AJ Raval. Sa isang video na ibinahagi ng dating kolumnistang si Benny Andaya, naibahagi ni Jeric na nagmamahalan umano sina AJ at Aljur Abrenica.

Aniya, mas gugustuhin niya sana kung ibang lalaki ang maiuugnay sa anak niya nang hindi ito nababatikos kagaya ng nararanasan nito sa pagkakaugnay kay Aljur. Nakausap niya na rin umano si Aljur at maayos naman daw itong kausap.

Si AJ Raval ay isa sa pinakakontrobersiyal na aktres sa kasalukuyan. Ito ay dahil sa kanyang mga kinasangkutang kontrobersiya kabilang na ang pagkakaugnay niya sa aktor na si Aljur Abrenica. Ito ay matapos maghiwalay sina Aljur at Kylie Padilla. Anak siya ng dating matinee idol at action star na si Jeric Raval sa dating actress na si Alyssa Alvarez. Unang sumikat si AJ sa kontrobersyal na pelikulang, "Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar" sa ilalim ng direksiyon ni Direk Darryl Yap.

Read also

Ana Jalandoni, inaming dati na siyang nasaktan ni Kit Thompson

Kamakailan ay sinabi ni Jeric na nagmamahalan lamang sina AJ at Aljur at hindi niya ito hahadlangan.

Samantala para kay Cristy Fermin, walang naniniwala sa pag-deny ni AJ kaugnay sa umano'y relasyon nila ni Aljur.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel