Raquel Pempengco kay Jake Zyrus: "Family pa rin namin siya"

Raquel Pempengco kay Jake Zyrus: "Family pa rin namin siya"

- Nagpaunlak si Raquel Pempengco ng panayam upang aniya ay matapos na ang mga isyu tungkol kay Charice Pempengco

- Aniya, ayon na rin kay Jake Zyrus matagal nang patay si Charice Pempengco

- Hiling niya na bigyan ng lang ng katahimikan si Jake at bigyan sana siya ng karapatang malayang mamuhay

- Dagdag pa ni Mommy Raquel kahit gaano pa man katagal na hindi magparamdam sa kanila si Jake ay pamilya pa rin nila ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Minabuti ni Raquel Pempengco na magsalita para tapusin na ang mga isyu tungkol kay Charice Pempengco. Sa panayam sa kanya ni Morly Alinio, sinabi ni Mommy Raquel na gusto niyang hilingin sa tao na bigyan sana ang anak niya ng karapatang malayang mamuhay.

Raquel Pempengco kay Jake Zyrus: "Family pa rin namin siya"
Raquel Pempengco kay Jake Zyrus: "Family pa rin namin siya"
Source: Youtube

Aminado si Mommy Raquel na nasaktan siya na nagpalit si Charice ng pangalan dahil siya raw ang nagbigay ng pangalan.

Read also

Ed Caluag, ipinaliwanag ang umano'y lalaking nakita ni Aiko Melendez: "Attracted siya sa'yo"

Mas masakit sa akin na nagpalit siya ng pangalan dahil ako yung nagbigay ng pangalan niya.

Ani Mommy Raquel, hindi niya naisip kung bakit daw pinalabas na masama siyang ina sa pinalabas na kwento ng buhay nito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Jake Zyrus ay unang nakilala bilang si Charice Pempengco. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa Little Big Star kung saan hindi man siya nanalo, naging daan ito upang makilala siya sa iba pang panig ng mundo. Naging sikat siya at nakapag concert sa iba't-ibang panig ng mundo nang makasama siya ni David Foster na isa sa tumulong sa kanya. Kinalaunan, napagpasyahang palitan ni Charice ang kanyang pangalan kaya siya ay kilala na bilang si Jake Zyrus.

Noong 2021 ay muling nag-viral ang video ni Charice Pempengco na kuha sa isang concert niya kasama si David Foster. Ito ay matapos ibahagi ni Jake Zyrus (Charice) ang kwento sa likod ng performance niyang iyon. Hindi pala naging madali sa kanya ang kanyang pag-perform dahil sa bigat ng kanyang naramdaman. Iyon daw ang unang pagkakataon na pinayagan siya na isuot ang damit na gusto niya.

Read also

Vince Flores kay Toni Fowler: "Pagsisilbihan kita, tatanggapin at mamahalin"

Matapos ang kontrobersiyal na pagrereklamo ng ina ni Raquel Pempengco sa programa ni Raffy Tulfo, muli silang nakapag-usap. Ito ay matapos hilingin ng matanda na ihatid siyang muli sa bahay ng kanyang anak na kamakailan ay umani ng pambabatikos. Inihingi ng paumanhin ng ina ni Raquel ang kanyang nagawa sa kanyang anak at hindi nito mapigilang maiyak. Kahit emosyonal ay tinanggap ni Raquel ang ina at hiniling na sana ay huwag nang ulitin ng ina ang kanyang ginawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel