Vince Flores kay Toni Fowler: "Pagsisilbihan kita, tatanggapin at mamahalin"

Vince Flores kay Toni Fowler: "Pagsisilbihan kita, tatanggapin at mamahalin"

- Nagbahagi si Vince Flores ng picture kung saan makikitang inaabutan niya ng plato ng pagkain si Toni Fowler

- Kalakip ng picture ay ang caption na hanggang dulo ay pagsisilbihan, tatanggapin at mamahalin niya si Toni

- Ito ay sa gitna ng pambabatikos kay Toni kaugnay sa naging pahayag nito kay Vince kamakailan sa kanilang reality show

- Matapos ang kanilang sagutan ay naging maayos naman sila matapos makausap ni Vince si Tyronia kaugnay sa pagtaas niya ng boses sa bata

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inihayag ni Vince Flores ang kanyang pagmamahal kay Toni Fowler sa gitna ng mga naging komento sa huling episode ng kanilang reality show. Ani Vince, hanggang dulo ay pagsisilbihan, tatanggapin at mamahalin niya si Toni.

Vince Flores kay Toni Fowler: "Pagsisilbihan kita, tatanggapin at mamahalin"
Vince Flores kay Toni Fowler: "Pagsisilbihan kita, tatanggapin at mamahalin"
Source: Facebook

Kalakip sa kanyang post ay ang picture ng pag-abot niya ng plato ng pagkain kay Toni.

Read also

Paye Galang, naiyak nang malamang buntis ang ate: "Sana nagpakumbaba na lang ako"

Marami naman sa kanyang followers ang humanga sa pinakitang pagmamahal at pagpapasensiya ni Vince:

Ang swerte sayo ni Mommy Toni Fowler sana mahalin ka nya ng higit pa sa pgmamahal mo. Mahirap makahanap ng lalaki na gaya mo dahil ako mismo ganyan hinhanap ko... Sobra akong SALUDO sayo TiTo Vince... Godbless

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napaka swerte ni Mommy Toni sayo bibihira lang ang Lalaki ganyan katulad mo. Nkakainggit.
It's okay to love kahit e sagad mo pa para in the end Wala ka pinag sisihan Salute sayo Tito Vince

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya sa kanilang YouTube vlogs.

Read also

Dating artistang si Brandy Ayala, kalunos-lunos ang kalagayan

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel