Billy Crawford, aminadong hindi pa nakakausap sina Vice Ganda at Anne Curtis

Billy Crawford, aminadong hindi pa nakakausap sina Vice Ganda at Anne Curtis

- Inamin ni Billy Crawford na hindi pa niya nakakausap ang dalawang dating kasamahan sa It's Showtime na sina Anne Curtis at Vice Ganda

- Si Vhong Navarro pa lamang umano ang kanyang nakakausap at nagtawanan pa umano sila

- Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori ay naibahagi ni Billy ang kanyang saloobin kaugnay sa pagsasama ng It's Showtime at Tropang Lol sa iisang network at ito ay TV 5

- Aniya, alam niya na balang araw ay dadating ang pagkakataong magtatagpo din sila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Billy Crawford na hindi pa niya nakakausap ang dating kasama sa It's Showtime na sina Anne Curtis at Vice Ganda. Sa panayam sa kanya ni MJ Marfori, sinabi niyang si Vhong Navarro pa lang ang kanyang nakakausap.

Billy Crawford, aminadong hindi pa nakakausap sina Vice Ganda at Anne Curtis
Billy Crawford, aminadong hindi pa nakakausap sina Vice Ganda at Anne Curtis (@itsshowtimena)
Source: Instagram
“Si Vhong nakausap ko. Nagtawanan kami. Sabi ko batiin niya ako,”

Read also

Coleen Garcia, aminadong naging ‘draining’ minsan ang breastfeeding para sa kanya

Naniniwala naman siya na dadating ang araw na magkakatagpo uli sila. Sa kasalukuyan ay magkasama na at back to back ang Tropang Lol at It's Showtime na napapanood sa TV5. Ani Billy, ang manonood naman ang pinapasaya nila at hindi umano sila nakikipagkumpetensiya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Read also

Kapatid ni Maggie Wilson, sinabing "drained" na siya sa mga nangyayari

Kamakailan ay kinagiliwan ang binahaging family picture ni Coleen. Kasama niya sa naturang picture ang kanyang asawang si Billy Crawford at ang anak na si Amari Crawford. Kinaaliwan ng mga netizens ang cute nilang anak na marunong na rin magpakitang gilas sa camera.

Samantala, sa isa pang post ay pinakita ni Coleen ang nakakaaliw na pag-photo bomb ni Amari sa pictorial nilang mag-asawa. Hindi nila napigilang matawa sa ginawa ni Amari habang ginaganap ang photoshoot. Sa isang picture ay makikita pa na naapakan ni Amari ang kamay ng kanyang mommy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel