Coleen Garcia, aminadong naging ‘draining’ minsan ang breastfeeding para sa kanya

Coleen Garcia, aminadong naging ‘draining’ minsan ang breastfeeding para sa kanya

- Para kay Coleen Garcia, ang breastfeeding ay maituturing niyang most selfless thing na ginawa niya

- Naibahagi niyang kahit nakatuon ang pansin niya sa breastfeeding, may nga panahon umanong “frustrating” at “draining” ang kanyang karanasan bilang isang breastfeeding mom

- Aniya, balak niyang ipagpatuloy ang breastfeeding sa anak nila ni Billy Crawford hanggang maging 3 years old ito

- Para sa umano kanya ay dream come true ang pagkakaroon niya ng sarili niyang pamilya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa video ni Karen Davila, aminado si Coleen garcia na kahit nakatuon ang pansin niya sa breastfeeding, nay nga panahon umanong “frustrating” at “draining” na rin para sa kanya. Aniya, balak niyang ipagpatuloy ang breastfeeding sa anak nila ni Billy Crawford hanggang maging 3 years old ito.

Coleen Garcia, aminadong ‘draining’ para sa kanya ang breastfeeding
Coleen Garcia, aminadong ‘draining’ para sa kanya ang breastfeeding (@coleen)
Source: Instagram

Naibahagi ng maybahay ni Billy ang kanyang naging karanasan bilang isang first-time mom sa kanyang pag-breastfeed sa anak na si Amari.

Read also

Arci Muñoz, pinakita ang kanyang unang araw sa pag-abot sa kanyang "pilot dream"

Kwento pa ni Coleen, kahit noong hindi pa niya nakikilala si Billy ay pangarap niya nang magkaroon ng kanyang masayang pamilya kaya para sa kanya ay dream come true ang pagkakaroon niya ng sarili niyang pamilya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Billy Crawford o Billy Joe Ledesma Crawford ay isang Filipino-American actor at TV host na sumikat sa international music scene dahil sa kanyang awiting "Bright Lights," "Trackin'", "When You Think About Me" at "You Didn't Expect That" Bago lumipat sa TV 5, nakilala siya bilang TV host sa ABS-CBN at ilan sa mga palabas kung saan siya ay naghost ay Pinoy Dream Academy, Pilipinas Got Talent, Your Face Sounds Familiar, Pinoy Boyband Superstar, Your Face Sounds Familiar Kids, Little Big Shots at Idol Philippines.

Kamakailan ay kinagiliwan ang binahaging family picture ni Coleen. Kasama niya sa naturang picture ang kanyang asawang si Billy Crawford at ang anak na si Amari Crawford. Kinaaliwan ng mga netizens ang cute nilang anak na marunong na rin magpakitang gilas sa camera.

Samantala, sa isa pang post ay pinakita ni Coleen ang nakakaaliw na pag-photo bomb ni Amari sa pictorial nilang mag-asawa. Hindi nila napigilang matawa sa ginawa ni Amari habang ginaganap ang photoshoot. Sa isang picture ay makikita pa na naapakan ni Amari ang kamay ng kanyang mommy.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel