Arci Muñoz, pinakita ang kanyang unang araw sa pag-abot sa kanyang "pilot dream"

Arci Muñoz, pinakita ang kanyang unang araw sa pag-abot sa kanyang "pilot dream"

- Kinabiliban si Arci Muñoz dahil sa pinakita nitong pagpupursige na maabot ang kanyang mga pangarap

- Sa kanyang bagong Instagram post, masaya niyang binahagi ang kanyang unang araw sa kanyang “pilot journey”

- Makikita sa kanyang Instagram post na sumailalim siya sa isang simulation training

- Aminado naman si Arci na galak na galak siya na unti-unti niya nang naaabot ang kanyang #pilot dream

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Arci Muñoz ang kanyang unang araw sa kanyang “pilot journey” sa pamamagitan ng binahagi niyang Instagram post. Makikita sa kanyang post na sumailalim siya sa isang simulation training at kinalaunan ay sumakay sa eroplano kasama ang kanyang instructor.

Arci Muñoz, pinakita ang kanyang unang araw sa pag-abot sa kanyang "pilot dream"
Arci Muñoz, pinakita ang kanyang unang araw sa pag-abot sa kanyang "pilot dream" (@ramonathornes)
Source: Instagram

Nakalagay din sa video ang mga salitang “first day in achieving my pilot dreams”.

Pinasalamatan din niya ang aviation school na Top Flight Academy.

Be a woman who rise above the ground breaking norms reach for yer dreams! and be whoever you wanna be cos sky is ze limit!! ✈️ Feeling enthusiastic about my #pilot journey! Thank you for spreading my wings! @topflite.academy

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami naman ang humanga sa aktres sa bago nitong accomplishment:

Congrats with this Ms Arci you're such an inspiration tlaga
Pinakaastig at pinakaMagaling at amazing Woman na kilala ko
Pinakaastig at pinakaMagaling at amazing Woman na kilala ko

Naging abala kamakailan ang aktres sa ilang appearance niya sa mga projects niya sa Amerika. Kabilang sa kanyang ginawa ay ang kanyang Hollywood red carpet debut na naging laman ng isang Los Angeles-based fashion and beauty magazine. Naging bahagi din siya ng isang fashion show sa Los Angeles Fashion Week, at dumalo din siya sa Oscars viewing party sa Hollywood.

Si Ramona Cecilia "Arci" Datuin Muñozay isang actress, model, singer at dancer. Bokalista siya ng rock band na Philia at kasalukuyang bahagi ng Philippine Air Force bilang Sergeant. Siya ay unang nakilala nang sumali siya sa third season ng reality talent show na StarStruck noong 2005. Naging bahagi siya ng ilang mga palabas sa ABS-CBN, GMA and TV5.

Sa pagdami ng mga artistang nag-file ng kanilang candidacy para tumakbo sa pulitika, isa si Arci sa mga ito. Tatakbo siya bilang konsehal ng Cainta.Kamakailan ay naibahagi ni Arci na natupad niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling restaurant.

Marami ang lalong bumilib kay Arci sa kanyang ibinahaging Instagram post. Ito ay kuha noong sumailalim siya sa Philippine Airforce Basic Citizen Military Training. Matatandaang noong Independence Day ng nakaraang taon inimbita pa niya ang mga kapwa niya babae na magpalista na rin. Makikita sa kanyang post ang paglublob nito ng mukha niya sa maputik na tubig sa damuhan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel