Arci Muñoz, ibinahagi ang ilan sa kanyang training moments para maging PAF Reservist

Arci Muñoz, ibinahagi ang ilan sa kanyang training moments para maging PAF Reservist

- Marami ang lalong bumilib kay Arci Muñoz sa kanyang ibinahaging Instagram post kamakailan

- Ito ay kuha noong sumailalim siya sa Philippine Airforce Basic Citizen Military Training

- Matatandaang noong Independence Day noong nakaraang taon inimbita pa nya ang mga kapwa niya babae na magpalista na rin

- Makikita sa kanyang post ang paglublob nito ng mukha niya sa maputik na tubig sa damuhan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang isang artista, sanay ang maraming tao na makita si Arci Muñoz na nakaayos at palaging posturang-postura. Kaya naman, umani ng mga reaksiyon ang ibinahagi niyang Instagram post kung saan makikita ang ilang training moments niya para maging Philippine Air Force reservist.

Arci Muñoz, ibinahagi ang ilan sa kanyang training moments para maging reservist
Arci Muñoz (@ramonathornes)
Source: Instagram

Makikita sa kanyang post ang paglublob nito ng mukha niya sa maputik na tubig sa damuhan kasama ang kanyang mga kasabayan sa pag-training.

Read also

Jomar Lovena, binahagi ang video na "face reveal" ng anak niyang si Baby Sety

Sa nasabing post ay ibinahagi niya ang mensahe kaugnay sa women empowerment.

A strong woman stands up for herself but a stronger woman stands up for others.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang noong Independence Day noong nakaraang taon, inimbita pa niya ang mga kapwa niya babae na magpalista na rin.

Samantala, narito ang reaksiyon ng mga netizems:

A real example of Women Empowerment and someone who Walks the walk. My Big respect to You Sgt. Muñoz
That's why I always stan with you ate arci you're not just a woman, you are a woman.
I'm so proud of you di lang po flag ng kababaihan nirraise mo minomotivate mo din po kaming mga kababaihan na kung kaya ng lalaki kaya din natin

Si Arci Muñoz ay unang nakilala nang sumali siya sa third season ng reality talent show na StarStruck noong 2005. Naging bahagi siya ng ilang mga palabas sa ABS-CBN, GMA and TV5.

Read also

Bea Alonzo, ibinahaging marami pa siyang gustong gawin kaya matagal pa ikakasal

Sa pagdami ng mga artistang nag-file ng kanilang candidacy para tumakbo sa pulitika, isa si Arci sa mga ito. Tatakbo siya bilang konsehal ng Cainta.

Kamakailan ay naibahagi ni Arci na natupad niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling restaurant.

Ang kalayaan sa paghahayag ng opinyon at saloobin ay may nakatakdang limitasyon lalo na kung ang kalayaan sa pagsasalita ay sumasalungat sa iba pang mga karapatang pantao. Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel