Annabelle Rama, inamin na naubos ang ipon niya noon sa gayuma at pagpapahula

Annabelle Rama, inamin na naubos ang ipon niya noon sa gayuma at pagpapahula

- Inamin ni Annabelle Rama na noon ay nahilig siya sa gayuma at pagpapahula ngunit aniya ay hindi totoo ang mga ito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Dito umano naubos ang kanyang ipon noon nang subukan niyang gayumahin ang kanyang mister na si Eddie Gutierrez

- Wala umanong nangyari ngunit matapos ang sampung taon ay saka lang siya na in love kay Annabelle nang wala na umano siyang ginagamit na gayuma

- Payo niya, dasal lang at pagpapakita ng totoong pagmamahal ang sekreto para mahalin ng isng tao

Aminado si Annabelle Rama na nahilig umano siya noon sa mga gayuma at pagpapahula. Aniya, hindi ito totoo at naubos lang umano ang ipon niya dahil sa kanyang pagpapahula at pagpapagayuma kay Eddie Gutierrez.

Annabelle Rama, inamin na naubos ang ipon niya noon sa gayuma at pagpapahula
Annabelle Rama, inamin na naubos ang ipon niya noon sa gayuma at pagpapahula (@annabelleramaig)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Donita Nose, hindi umano inasahang dadalo si Super Tekla sa kanyang birthday celebration

Aniya, matapos ang sampung taon ay saka lamang na-inlove sa kanya ang mister kung kailan wala n siyang ginagamit na gayuma. Payo niya, dasal lang at pagpapakita ng totoong pagmamahal ang sekreto para mahalin ng isng tao.

Nagbigay siya ng babala dahila aniya ay maraming mapagsamantalang tao at sana ay huwag umano magalit sa kanya ang mga manghuhula dahil sadyang nadala lang siya sa kanyang pinagdaanan.

Si Annabelle Rosales Rama-Gutierrez o mas kilala bilang si Annabelle Rama ay isang Pinay actress at talent manager. Siya ay nagmula sa Cebu at ang maybahy ng 1960s Philippine cinema matinee idol na si Eddie Gutierrez. Bumida siya sa pelikulang My Monster Mom kasama ang anak na si Ruffa Gutierrez.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Read also

Donnalyn Bartolome, napilitang maglabas ng video para maipaliwanag ang kanyang panig

Samantala, naiyak si Annabelle habang nakikinig sa kwento ng isa sa mga kalahok sa segment kung saan isa siya sa mga hurado sa It's Showtime. Ang naturang kalahok ay binati ang kanyang ina ng Happy Father's Day dahil mag-isa nitong tinaguyod ang pagpapalaki sa kanya bilang isang single mom. Ayon kay Annabelle, naalala niya ang kanyang mga apo na nasa Istanbul, Turkey sa kasalukuyan kasama ang kanilang ama. Sa loob ng 15 taon ay si Ruffa lang din ang nagtaguyod sa kanyang mga anak matapos nilang maghiwalay ng dating asawa nitong si Yilmaz Bektas.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel