Donita Nose, hindi umano inasahang dadalo si Super Tekla sa kanyang birthday celebration

Donita Nose, hindi umano inasahang dadalo si Super Tekla sa kanyang birthday celebration

- Hindi umano inasahan ni Donita Nose na dadalo ang kanyang kaibigang si Super Tekla sa kanyang birthday celebration

- Hindi na umano niya inimbitahan si Super Tekla sa kanyang birthday dahil alam niya ay abala ito

- Gayunpaman, nilinaw niyang madaming beses niya na rin inimbitahan si Tekla sa ibang mga okasyon mula nang maghiwalay sila ng bahay at sa kanilang vlog

- Matatandaang naging usap-usapan ang kanilang naging pasya na maghiwalay muna ng vlog at pati na rin ng bahay dahil sa mga hindi nila pagkakaunawaan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Masaya si Donita Nose nang makitang dumating si Super Tekla sa kanyang birthday celebration na dinaluhan ng kanilang iba pang mga kaibigan. Hindi umano niya inasahan na dadalo ang si Super Tekla.

Donita Nose, hindi umano inasahang dadalo si Super Tekla sa kanyang birthday celebration
Donita Nose, hindi umano inasahang dadalo si Super Tekla sa kanyang birthday celebration (@donitanose)
Source: Instagram

Sa binahaging video ni Donita ay makikita ang tila pagkabigla niya nang dumating si Tekla. Hindi na umano niya inimbitahan ito dahil alam niyang madami itong ginagawa. Gayunpaman, may mga pagkakataon na umanong naimbitahan niya ang kaibigan mula nang maghiwalay na sila bilang DonEkla in Tandem.

Si Donita Nose ay nakilala sa kanyang pagiging bahagi ng TV Show ni Willie Revillame. Kinalaunan ay sumikat ang tambalan nila ni Super Tekla at nakilala sa bansag na DonEkla. Binansagan siyang Pambansang Beshy matapos ang pinakita niyang suporta kay Super Tekla nang minsang madawit ito sa matinding kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dati nitong kinakasama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang tuluyang nakapaglipat ng bahay si Donita Nose matapos ang pagsasapubliko nila ni Super Tekla na maghihiwalay na sila sa paggawa ng vlog at maging ng bahay. Naikwento ni Donita na tapos na ang kontrata ng naunang bahay na tinitrhan nilang magkasama. Noong una umano ay parehas nilang napagpasyahan na maghanap ng bahay kung saan magsasama pa rin uli sila. Gayunpaman, hindi na umano pumirma si Super Tekla pagdating ng kontrata para sana sa bahay na kanilang lilipatan.

Aminado ang isa pang ka-tandem ni Super Tekla na si Boobay na naawa umano siya kay Tekla. Sa katunayan ay pinayuhan umano niya ito na ipagtanggol naman ang sarili niya kay Donita Nose. Dagdag pa ni Boobay, sana ay huwag lang puro katamaran ang pansinin kay Tekla at sana ay bigyan din ng importansiya ang ambag nito sa kanilang samahan. Magkasama sina Tekla at Boobay sa comedy talk show na The Boobay and Tekla Show na napapanood sa GMA-7.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel