Gerald Anderson, hindi nakaligtas sa prank ni Ivana Alawi

Gerald Anderson, hindi nakaligtas sa prank ni Ivana Alawi

- Hindi nakaligtas si Gerald Anderson sa co-actor niyang si Ivana Alawi matapos nitong kuntsabahin ang mga staff sa shooting ng kanilang serye para sa kanyang prank

- Bukod sa kanyang acting ay nilagyan din ng staff ng prosthetics ang daliri ni Ivana para magmukhang namamaga ang isang daliri nito

- Habang nasa kanilang eksena ay pinagbintangan ni Ivana si Gerald na nasaktan niya ito sa paghawak nito sa kanyang kamay

- Makikita sa mukha ng aktor na hindi na ito komportable at napa-walkout na lang ito matapos sabihin sa kanya ni Ivana ang "It's a prank!"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Napa-walkout si Gerald Anderson matapos mapag-alamang na-prank siya ni Ivana Alawi. Makikita sa kanilang eksena na hindi na komportable si Gerald dahil sinasabi ni Ivana na napalakas ang hawak nito sa namamagang kamay niya.

Read also

Donnalyn Bartolome, napilitang maglabas ng video para maipaliwanag ang kanyang panig

Gerald Anderson, napa-walkout matapos ma-prank ni Ivana Alawi
Gerald Anderson, napa-walkout matapos ma-prank ni Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

Maging ang mga staff ng kanilang ginagawang serye at kakontsaba ni Ivana sa kanyang prank. Sa katunayan ay nilagyan pa ng prosthetics ang kanyang daliri para magmukhang kapani-paniwala.

Ilang beses din nagsabi si Gerald na huwag na muna ituloy ang kanilang eksena dahil aniya ay hindi na kaya ni Ivana.

Agad naman itong lumabas ng kotese at napakamot na lang nang marinig niya ang "It's a prank!" mula kay Ivana.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit labingtatlong milyon ang kanyang YouTube subscribers.

Kamakailan ay marami ang naantig sa vlog ni Ivana na kung saan nagpanggap siyang pulubi at nanghingi ng tulong sa mga taong kanyang nakita sa daan. Naiyak si Ivana dahil sa kabutihang pinakita sa kanya ng isang kutsinta vendor.

Sa isang vlog ay masaya si Ivana Alawi na sa unang pagkakataon simula noong nagka-panseay muling nakapunta siya sa ibang bansa kasama ang kanyang buong pamilya. Pumunta sila sa Barcelona, Spain at sa unang pagkakataon ay kumpleto na sila dahil aniya sa kanilang pagpunta sa Thailand kamakailan ay hindi kasama ang kanilang mama. Maging ang kanyang mga kapatid at ang kanilang mama ay tuwang-tuwa sa kanilang biyahe. Marami naman ang natuwa at naaliw sa video na ito ni Ivana dahil bukod sa naibahagi nila ang ganda ng Spain, kinaaliwan ang kanilang kulitan at biruan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel