Jose Hallorina, sinagot ang umano'y paratang ni Donnalyn Bartolome

Jose Hallorina, sinagot ang umano'y paratang ni Donnalyn Bartolome

- Sinagot ni Jose Hallorina sa kanyang bagong YouTube video ang naging paratang umano ni Donnalyn Bartolome sa kanya

- Nabanggit niya rin ang tungkol sa lola ni Donnalyn na si Nanay Josie na siya umanong kinasama ng loob niya nang datnan niya sa sidecar nito kahit binalik niya na sa kanyang pamilya

- Nilinaw niya rin na ang cyberlibel case na isinampa sa kanya ay maaring sinampa ng kahit sinong kamag-anak ni Donnalyn

- Yung tungkol naman sa personal niyang account na nilagay niyang papadalhan ng donasyon ay pansamantala lamang umano dahil hindi pa siya nakakapagpatayo ng NGO o foundation

Si Donnalyn Bartolome ang direktang sinagot ni Jose Hallorina sa kanyang bagong Youtube video. Nilinaw niya rin na ang cyberlibel case na isinampa sa kanya ay maaring sinampa ng kahit sinong kamag-anak ni Donnalyn.

Read also

Donnalyn Bartolome, napilitang maglabas ng video para maipaliwanag ang kanyang panig

Jose Hallorina, sinagot ang umano'y paratang ni Donnalyn Bartolome
Jose Hallorina, sinagot ang umano'y paratang ni Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

Ang tungkol naman daw sa "pera-pera" lang na sinabi ni Donnalyn ay nilinaw niya din. Aniya, kaya personal niyang account ang ginamit niya ay dahil hindi pa siya nakakapagpatayo ng NGO o foundation.

Hinamon pa nito si Donnalyn na ituloy pa ang kaso sa kanya.

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Kamakailan ay muling nag-viral ang isang post ni Donnalyn kung saan binahagi niya sa Facebook ang picture ni Skusta Clee. Si Skusta Clee ang ex-boyfriend ng malapit niyang kaibigang si Zeinab Harake. Naging viral ito matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang caption na loyal na umano ito. Matapos bumaha ng bagong komento ang kanyang lumang post, burado na ang unang caption na nakalagay.

Sa naunang ulat ng KAMI, isang virtual tour ang binahagi ni Donnalyn Bartolome sa kanyang bagong YouTube video. Ito ay sa isang beach house na yari sa kahoy at kawayan at tinawag niya itong kubo mansion. Matapos niyang ibahagi ang iba't-ibang bahagi ng naturang property, ibinunyag niya na hindi sa kanya iyon. Aniya, nagbabakasyon lamang sila ng kanyang staff at nangangarap din daw siya na magkaroon ng ganoong property balang araw.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel