Whamos Cruz, pabirong tinakpan ang mukha dahil ayaw daw niyang paglihian siya ni Antonette

Whamos Cruz, pabirong tinakpan ang mukha dahil ayaw daw niyang paglihian siya ni Antonette

- Binahagi ni Antonette Gail ang isang video kung saan makikita si Whamos Cruz na may suot na takip sa mukha

- Nababahala umano si Whamos na baka paglihian siya ni Antonette kaya nagsuot siya ng naka-print na mukha ni Coco Martin

- Aniya, gusto niyang maging kamukha ni Coco Martin ang kanilang magiging anak para umano humaba ang buhay nito

- Para naman kay Antonette ayos lang sa kanya na maging kamukha ng anak nila si Whamos dahil siya ang ama at aniya ay wala namang mali kay Whamos

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayos lang kay Antonette Gail na maging kamukha ng anak nila si Whamos dahil aniya ay gwapo naman ito at sadyang payat lang. Gayunpaman, ikinabahala umano ni Whamos na paglihian siya ni Antonette kaya gumawa siya ng paraan.

Read also

Whamos Cruz, hiling na hindi maranasan ng anak ang panglalait sa kanya

Whamos Cruz, tinakpan ang mukha dahil ayaw daw niyang paglihian siya ni Antonette
Whamos Cruz, tinakpan ang mukha dahil ayaw daw niyang paglihian siya ni Antonette (Whamoscruz)
Source: Facebook

Kinaaliwan ng netizens ang video na binahagi ni Antonette sa kanyang Facebook account. Makikita sa video ang kanyang boyfriend na nakatakip ang mukha. Mukha ni Coco Martin ang nakalagay sa takip sa kanyang mukha.

Aniya, gusto niyang maging kamukha ni Coco Martin ang kanilang magiging anak para umano humaba ang buhay nito.

Ani Antonette, tanggap niya kahit ano pa ang maging mukha ng anak niya at wala namang mali kay Whamos. Deserve umano nito ang pagmamahal niya dahil mabuti itong boyfriend sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Read also

Vice Ganda, napasubsob habang pinapakita ang tamang pagrampa

Kamakailan ay nilinaw nina Whamos at Antonette Gail scripted ang vlog nila kung saan bumili si Antonette ng regalo para kay Whamos. Gayunpaman, iyon lamang daw ang scripted video nila at pawang totoo umano ang pinapakita nila sa iba nilang videos. Inamin nilang naroroon din daw si Whamos nang namili si Antonette dahil kailangan din daw siya para sa sukat ng sapatos.

Sa naunang ulat ng KAMI, inanunsyo na ng vlogger couple na sina Whamos at Antonette Gail na magkakaroon na umano sila ng baby. Ipinakita ni Antonette ang dalawang pregnancy test na pareho ang resulta na nagdadalang-tao nga siya. Ayon naman Whamos, pinag-isipan talaga nila ito at siniguro munang maayos ang kanilang pamumuhay para sa magiging anak

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel