Whamos Cruz, hiling na hindi maranasan ng anak ang panglalait sa kanya

Whamos Cruz, hiling na hindi maranasan ng anak ang panglalait sa kanya

- Ayon kay Whamos Cruz, sana ay hindi siya maging kamukha ng baby niya na pinagbubuntis ng kanyang girlfriend na si Antonette Gail

- Aniya, ito ay sa kadahilanang ayaw niyang maranasan ng anak ang panglalait na kanyang dinadanas

- Matatandaang kamakailan ay sumang-ayon si Whamos sa naging pahayag ni Xian na sana ay huwag niyang maging kamukha ang baby

- Pabiro pa nitong sinabi na masagwa kung sakaling magiging kamukha niya ang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mismong si Whamos Cruz ang nagsabing sana ay hindi niya maging kamukha ang kanyang anak. Aniya, ayaw niyang maranasan ng anak ang pinagdadaanan niyang panglalait.

Whamos Cruz, hiling na hindi maranasan ng anak ang panglalait sa kanya
Whamos Cruz, hiling na hindi maranasan ng anak ang panglalait sa kanya (Whamoscruz)
Source: Facebook

Kalakip ng kanyang Facebook post na ito ay ang picture niyang humahalik sa tiyan ng kanyang girlfriend na si Antonette Gail. Inulan ng mensahe ng suporta si Whamos. Marami sa mga netizens ang nagsabing walang mali kung sakaling maging kamukha ng anak niya ang kanyang ama.

Read also

Pinay na ilang taong 'di nakauwi, halos di bitawan ng ina nang siya'y muling mayakap

Marami din ang nagpayo na huwag na lamang dibdibin at pansinin ang mga taong mapanghusga at mapanlait.

Si Whamos Cruz ay isang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Kamakailan ay nilinaw nina Whamos at Antonette Gail scripted ang vlog nila kung saan bumili si Antonette ng regalo para kay Whamos. Gayunpaman, iyon lamang daw ang scripted video nila at pawang totoo umano ang pinapakita nila sa iba nilang videos. Inamin nilang naroroon din daw si Whamos nang namili si Antonette dahil kailangan din daw siya para sa sukat ng sapatos.

Read also

Bea Alonzo sa tanong kung willing makatrabaho ang ex: "Depende kung sinong ex"

Sa naunang ulat ng KAMI, inanunsyo na ng vlogger couple na sina Whamos at Antonette Gail na magkakaroon na umano sila ng baby. Ipinakita ni Antonette ang dalawang pregnancy test na pareho ang resulta na nagdadalang-tao nga siya. Ayon naman Whamos, pinag-isipan talaga nila ito at siniguro munang maayos ang kanilang pamumuhay para sa magiging anak

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel