Vice Ganda, napasubsob habang pinapakita ang tamang pagrampa

Vice Ganda, napasubsob habang pinapakita ang tamang pagrampa

- Natawa na lang si Vice Ganda matapos ang kanyang pagkakadapa sa sahig na kuhang-kuha live stream ng Kapamilya Online Live

- Pinakita nito ang tamang pagrampa at pag-pose ngunit hindi niya inasahang matutumba siya at halos napasubsob malapit sa isang camera

- Agad namang lumapit ang kanyang mga co-hosts para tulungan siyang tumayo habang lahat sila ay tawang-tawa

- Napabiro pa si Vice Ganda na natakot siya dahil akala niya ay papasok siya sa loob ng camera

Napasubsob si Vice Ganda nang sinubukan nitong rumampa at mag-pose kagaya ng mga kalahok sa beauty pageant. Pinakita nito ang tamang pagrampa at pag-pose ngunit hindi niya inasahang matutumba siya at halos napasubsob malapit sa isang camera.

Vice Ganda, napasubsob habang pinapakita ang tamang pag-awra
Vice Ganda, napasubsob habang pinapakita ang tamang pag-awra (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: check out news exactly for YOU ➡️ find "Recommended for you" block and enjoy!

Read also

Pinay na ilang taong 'di nakauwi, halos di bitawan ng ina nang siya'y muling mayakap

Dali-dali namang lumapit ang kanyang mga co-hosts para tulungan siyang tumayo nang makita nila ang nangyari kay Vice. Maging si Vice Ganda ay tawang-tawa sa nangyari sa kanya.

Nagbiro pa si Vice Ganda na natakot siya dahil akala niya ay papasok siya sa loob ng camera at nakakita umano siya ng loob ng bahay ng madlang people. Pinakita pa nilang muli ang replay ng kanyang pagkakasubsob.

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang nasampolan si Vice Ganda ng 'physical hosting' nina Jhong Hilario at Vhong Navarro. Muling ginawa ng dalawang dating miyembro ng Streetboys ang dating ginagawa nila kay Vice Ganda at hindi ito napaghandaan ni Vice.

Kinaaliwan ang video ni Ethel Booba kamakailan kung saan pinag-shopping ni Vice Ganda ang kanyang inaanak na anak ng kanyang kaibigang si Ethel. Umabot sa mahigit P300,000 ang presyo ng lahat ng kanyang binayarang mga damit at laruan ng inaanak. Marami ang namangha at humanga sa pagiging galante nito sa kanyang inaanak.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel