Annabelle Rama, binuking na araw-araw umanong umiiyak si Ruffa Guttierez

Annabelle Rama, binuking na araw-araw umanong umiiyak si Ruffa Guttierez

- Naiyak si Ruffa Gutierrez habang nakikinig sa pahayag ng kanyang inang si Annabelle Rama sa kanyang komento sa isang kalahok sa patimpalak sa 'It's Showtime'

- Kabilang ang mag-iinang Annabelle, Ruffa at Raymond Gutierrez sa mga hurado para sa isang segment ng It's Showtime

- Payo ni Annabelle sa isang kalahok na nangangarap na makita ang kanyang ama, ipagpatuloy umano nito at pagbutihin pa ang kanyang pag-aaral at baka magkita din sila ng kanyang ama kagaya ng kanyang mga apo na sina Lorin at Venice

- Nabanggit ni Annabelle na araw-araw na umanong umiiyak si Ruffa ngunit agad namang nilinaw ni Raymond na tears of joy naman daw ang pag-iyak ng kapatid

Emosyonal si Ruffa Gutierrez habang nakikinig sa payo ng kanyang inang si Annabelle Rama para sa isang contestant. Payo ni Annabelle sa kalahok na ipagpatuloy umano nito at pagbutihin pa ang kanyang pag-aaral at baka magkita din sila ng kanyang ama kagaya ng kanyang mga apo na sina Lorin at Venice.

Read also

MG, muling rumesbak: "Tapos ako ulit, para sa Knock Out Round"

Photo: Ruffa Gutierrez (@iloveruffag)
Photo: Ruffa Gutierrez (@iloveruffag)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Aminado naman si Ruffa na naiyak siya sa naging pahayag ng kanyang mommy. Dito ay sinabihan siya ni Annabelle na tigilan na ang kakaiyak dahil araw-araw na umano ito umiiyak.

Nilinaw naman ni Raymond na tears of joy naman ang iyak ng kanyang kapatid. Ani Ruffa masaya siyang pagkatapos ng 15 taon ay nagkasama ang mag-aama.

Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Pinay beauty queen, actress, at model. Anak siya ng mga batikang artista na sina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama. Nanalo siya bilang second runner-up sa Miss World 1993 pageant. Nabiyayaan siya ng dalawang anak na sina Lorin Gabriella at Venezia Loran sa dati niyang asawang si Yilmaz Bektas.

Kamakailan ay binahagi ni Ruffa ang isang nakakaantig na video ng kanyang anak at ng dating asawa. Ibinahagi ni Ruffa ang tungkol sa nakatakda nilang pagkikita sa Istanbul, Turkey. Marami ang natuwa para sa kanila dahil matapos ang mahabang panahon ay muling magkikita ang mag-aama.

Sa isang episode ng "It's Showtime kamakailan ay naitanong ni Vhong Navarro si Chie Filomeno kung kamusta ito. Naibahagi ni Chie na nakwento niya kay Ruffa na magsusuot siya ng sneakers. Kinawindang naman ng netizens ang naging rebelasyon ni Ruffa tungkol sa umano'y presyo ng naturang sapatos na suot ni Chie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel