Ion Perez, nakaranas ng wardrobe malfunction dahil sa todo-bigay niyang performance

Ion Perez, nakaranas ng wardrobe malfunction dahil sa todo-bigay niyang performance

- Kinaaliwan si Ion Perez matapos nitong sumayaw sa opening ng It's Showtime ngayong araw

- Isa-isa silang nagsayaw matapos pangunahan ni Sample King Jhong Hilario ng isang todo-bigay na performance ang kasamahan

- Sa huling bahagi ng kanyang sayaw ay tumalon ng mataas si Ion ngunit napahawak ito sa kanyang suot na shorts

- Umalis muna siya sa pansamantala para maayos ang kanyang nawakwak na shorts ngunit nagawan naman ng paraan pagbalik niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Todo-bigay si Ion Perez nang isa-isa silang sumayaw sa It's Showtime. Sa huling bahagi ng kanyang sayaw ay tumalon ng mataas si Ion ngunit napahawak ito sa kanyang suot na shorts nang matapos ang kanyang sayaw.

Ion Perez at Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Ion Perez at Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Kahit tawang-tawa ay pansamantalang umalis si Ion upang magawan ng paraan ang nawakwak na shorts niya. Nang bumalik siya ay pinakita niya ang itim na tape na pansamantalang inilagay sa kanyang suot na shorts.

Read also

Kim Chiu, napa-head stand matapos pakitaan ni Jhong Hilario ng matinding "sample"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Wala naman si Vice Ganda nang mangyari iyon dahil nahuli siya. Narito ang mga komento ng viewers:

Walang magmomove on sa pagwakwak ng shorts ni ion! Hahaha! Sa sobrang galing sumayaw ni Noi napunit tuloy yung shorts.
Very professional yung pa electric tape sa shorts HAHAHAHAHA you're so cute Daddy Ion!
Ang taas paring tumalon! haha! Mrs. Perez pakidalhan ng bagong shorts yung asawa mo, nawakwak!

Si Benigno Dungo Perez o mas kilala sa kanyang screen name na Ion Perez ay isang aktor, model, at TV host. Una siyang sumikat sa bansag na Kuya Escort sa Miss Q and A segment ng It's Showtime. Sa kasakuluyan ay isa siya sa mga regular host ng It's Showtime.

Marami ang natuwa kay Ion Perez dahil naisip niyang bilhan ng massage chair si Vice Ganda dahil kapag umiinit umano ang ulo nito minsan ay gusto niyang magpamasahe. Hindi man ito hiningi ni Vice sa kanya, ito umano ang naisip niyang iregalo kay Vice.

Read also

MG, muling rumesbak: "Tapos ako ulit, para sa Knock Out Round"

Sa isa sa kanyang naunang vlog, hindi napigilang maging emosyonal ni Ion habang nagbibigay siya ng mensahe para sa kanyang Nanay Zeny na nagdiwang ng kanyang ika-70 na kaarawan. Binanggit ni Ion kung gaano kabuting ina ang kanyang nanay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel