Lyca Gairanod, binahaging nagka-mild stroke ang kanyang ama

Lyca Gairanod, binahaging nagka-mild stroke ang kanyang ama

- Naibahagi ni Lyca Gairanod ang dahilan kung bakit na-ospital ang kanyang ama kamakailan

- Ayon kay Lyca, nagkaroon ng mild stroke ang kanyang papa kaya ito natumba at isinugod sa ospital

- Matatandaang sa naunang video ni Lyca ay hindi nito napigilang maging emosyonal sa kalagayan ng ama niya sa ospital

- Ang kanyang ama ay nakakasama ni Lyca sa kanyang mga video sa social media kung saan kumakanta siya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon kay Lyca Gairanod, nabigla siya nang malamang isinugod sa ospital ang kanyang ama. Ito ay matapos matumba ang kanyang papa dahil nagkaroon ito ng mild stroke.

Lyca Gairanod, binahaging nagka-mild stroke ang kanyang ama
Lyca Gairanod (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Sa kanyang binahaging live video ay pinakita ng singer ang kalagayan ng ama na nakauwi na para sa bahay na tuluyang magpagaling. Sumasailalim umano ito sa therapy para maibalik na sa normal ang galaw ng kanyang papa.

Read also

Lyca Gairanod, ibinahaging nakauwi na ang kanyang ama mula sa pagkaka-ospital

Hindi pa nito nakakausap nang maayos ang ama ngunit nakakatango naman ito kapag may tinatanong ang kanyang anak.

Sa isang bahagi ng kanyang live video ay kinantahan pa ni Lyca ang kanyang papa na nakakasama din niya sa mga videos niya kung saan kumakanta siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang ilan sa mensahe ng mga taga-suporta ni Lyca:

Praying for his fast recovery..God is the greatest healer
Tiwala kala kay Papa God idol Lyca Gairanod. Always remember God is good all the time I pray for your papa for fast recovery
I admire you Lyca for being a good daughter to your parents.

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1. Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Read also

Moira Dela Torre, hinangaan dahil sa prefessionalism nito sa live performance niya

Bago pa man siya sumikat ay nag-viral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Lyca nang madatnan ang kanyang ama na nakaratay sa hospital bed. Hindi umano siya sanay na makitang ganoon ang kalagayan ng kanyang ama na aniya ay isang "strong man."

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate