Lyca Gairanod, ibinahaging nakauwi na ang kanyang ama mula sa pagkaka-ospital

Lyca Gairanod, ibinahaging nakauwi na ang kanyang ama mula sa pagkaka-ospital

- Ayon kay Lyca Gairanod, nakauwi na ang kanyang ama matapos itong ma-confine sa ospital

- Mas maayos na umano ang kalagayan nito kumpara noong nasa ospital pa ang kanyang papa

- Kinakausap niya ang kanyang ama ngunit hindi pa ito nakakapagsalita nang maayos kaya tango lamang ang tugon nito sa kanya

- Sumasailalim naman na umano sa therapy ang kanyang ama para bumalik na sa dating sigla ang katawan nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binahagi ni Lyca Gairanod na nakauwi na sa kanilang bahay ang kanyang amang kamakailan ay na-confine sa ospital. Mas maayos na umano ang kalagayan nito kumpara noong nasa ospital pa ang kanyang papa .

Lyca Gairanod, ibinahaging nakauwi na ang kanyang ama mula sa pagkaka-ospital
Lyca Gairanod (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Sa isang live video ay sinusubukan ni Lyca na kausapin ang kanyang papa. Ngunit hindi pa ito masyadong nakakapagsalita nang maayos kaya tango lang ang naitutugon nito sa tanong ng kanyang anak.

Read also

Buboy Villar, umalma sa dati niyang tauhan na gumagamit sa pangalan ng paresan niya

Sumasailalim naman na umano sa therapy ang kanyang ama para bumalik na sa dating sigla ang katawan nito.

Pinasalamatan ni Lyca ang lahat ng taong nag-alay ng panalangin para sa paggaling ng kanyang ama. Marami naman sa mga viewers ng live video ni Lyca ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa mang-aawit.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang sa naunang video ni Lyca ay hindi na niya nabanggit kung ano ang dahilan ng pagkaka-ospital ng kanyang ama.

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1. Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Read also

Ian Veneracion, binahagi ang love story nila ng kanyang misis

Bago pa man siya sumikat ay nag-viral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Matatandaang hindi napigilang maging emosyonal ni Lyca nang madatnan ang kanyang ama na nakaratay sa hospital bed. Hindi umano siya sanay na makitang ganoon ang kalagayan ng kanyang ama na aniya ay isang "strong man."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel