Moira Dela Torre, hinangaan dahil sa prefessionalism nito sa live performance niya

Moira Dela Torre, hinangaan dahil sa prefessionalism nito sa live performance niya

- Si Moira Dela Torre pa rin ang isa sa hot topic sa showbiz world kasunod ng kanyang pahayag kamakailan kaugnay sa mga lumabas na espikulasyon sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Jason Hernandez

- Agad na nag-viral ang TikTok video na umano'y kuha sa isang live performance ni Moira ilang araw bago isapubliko ni Jason ang tungkol sa kanilang paghihiwalay

- Makikita sa naturang video ang pagkanta ni Moira ng kanyang hit single na Paubaya

- Marami ang humanga sa kanya sa pinakita nitong katatagan dahil bukod sa masakit na mensahe ng kanyang kanta ay nataon pang may pinagdadaanan ito sa totoong buhay

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hinangaan si Moira Dela Torre sa pinakita nitong katatagaan at professionalism sa isang liver performance niya. Kuha umano ito sa isang mall tatlong araw bago ang paglabas ng balita tungkol sa paghihiwalay nila ni Jason Hernandez.

Read also

Tom Rodriguez, binanggit ang "gag order" nang tanungin kung bakit nanahimik lang siya

Moira Dela Torre, hinangaan dahil sa prefessionalism nito sa live performance niya
Moira Dela Torre (@moiradelatorre)
Source: Instagram

Ayon sa TikTok user na may handle na @haidiandkittys, kuha ito sa isang event sa Glorietta Mall noong Sabado, May 28, 2022. Makikita sa naturang video ang pagkanta ni Moira ng kanyang hit single na Paubaya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Marami ang humanga sa kanya sa pinakita nitong katatagan dahil bukod sa masakit na mensahe ng kanyang kanta ay nataon pang may pinagdadaanan ito sa totoong buhay.

Paano mo nakakaya mag perform ng ganyan kanta on your current situtation Moira?? Grabe ang tatag mo. Yakap ng mahigpit para sayo .
She's so professional. Paano niya nakakaya kumanta at magperform while she's experiencing heartache already.
What made this song more painful she's in that situation right now

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo na nanalo sa Himig Handog.

Read also

Gerald Anderson, bumilib sa acting ni Ivana Alawi; "Nagulat ako sa performance niya"

Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Matatandaang nitong Abril ay lumabas ang bali-balitang hiwalay na silang mag-asawa. Gayunpaman, sa pamamagitan ng isang tweet ay pinabulaanan ni Jason ang tungkol dito. Nag-post din si Moira ng pictures nilang mag-asawa na magkasama.

Ayon naman sa isang source ng entertainment reporter na si Ogie Diaz, nagkaroon ng tampuhan ang mag-asawa. Gayunpaman ayon sa ulat ng ABS-CBN News ay dalawang buwan na umanong umalis si Moira sa bahay na tinitirhan nilang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel