Cristy Fermin, pinabulaanang naubusan ng pera si Manny Pacquiao: "Milyonaryo naman"
- Pinabulaanan ni Cristy Fermin ang napapabalitang naubusan umano ng pera sa kampanya si Senator Manny Pacquiao
- May ilan umanong nagsabi na nagbenta ng alahas si Jinkee Pacquiao para sa kampanya ni Senator Manny sa pagka-presidente
- Isa umanong patunay na marami pa rin silang pera ay ang muling pagsusuot umano ng magagarbong damit at accessories ni Jinkee
- Gayundin ang kanila umanong Japan trip kamakailan kung saan sinabi ni Cristy na todo shopping muli ang misis ng senador
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Wala raw katotohanang naubusan na ng pera si Senator Manny Pacquiao sa kampanya nito sa pagka-presidente sa katatapos lamang na Halalan.
Nalaman ng KAMI na isa ito sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa kanilang episode ng Showbiz Now Na! ngayong Mayo 30.
Ani Cristy, hindi totoo ang mga napabalitang nagbenta na umano ng alahas at ilang ari-arian ang misis ni Senator Manny na si Jinkee Pacquiao.
Katunayan, nagtungo pa sila kamakailan sa Japan na naibahagi nila sa kanilang social media.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"Sabi nagkabenta-benta raw ng mga bahay, yung mga alahas... Pero hindi totoo. Shopping kung shopping na naman sila sa Tokyo," ayon kay Cristy.
"Para pabulaanan yung mga sinasabi ng kalaban na 'naku, pag natalo 'to, olat na wala pang pera. Siguro naman, may natira naman. Pero malaki sigurado ang nagastos."
Gayunpaman, sa nasabing eleksyon din napatunayang marami pa rin ang nagmamahal at naniniwala sa kabutihan ni Senator Manny.
Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa YouTube channel na Showbiz Now Na!:
Mayo 9, 2022 nang ganapin ang National at Local Elections sa Pilipinas. Ilang oras matapos na isara ang botohan, mabilis na nakapag-transmit ng resulta ang mga Electoral Board members kung saan malaki agad umano ang naging lamang ni Bongbong Marcos sa mahigpit niyang katunggali na si Vice President Leni Robredo.
Agad ding nanguna sa mga senatoriables si Robin Padilla na sinundan naman nina Loren Legarda at Raffy Tulfo.
Nag-concede naman na sina Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao na pangatlo at pang-apat na pwesto sa bilang ng mga tumatakbong pangulo.
Nagbigay pa ng mensahe si Pacquiao sa inaasahang magiging susunod na pangulo ng bansa na si Bongbong Marcos.
Source: KAMI.com.gh