Ogie Diaz, duda sa tsismis na paglipat ni Vice Ganda sa GMA

Ogie Diaz, duda sa tsismis na paglipat ni Vice Ganda sa GMA

- Napag-usapan sa Showbiz Update ni Ogie Diaz ang tsismis paglipat umano ni Vice Ganda sa GMA 7

- Ito ay matapos na mamataan umano si Vice na ka-meeting si Direk Edgar "Bobot" Mortiz

- Gayunpaman, nasabi ni Ogie na wala pa umanong pinipirmahang kontrata ang komedyante sa ABS-CBN na baka hindi pa naman expired ang kontrata nito

- Aniya, magkakaroon naman ng announcement sa kung ano talaga ang pinag-usapan nina Vice at Direk Bobot Mortiz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga nai-chika nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh ay ang tsismis na lilipat umano si Vice Ganda sa GMA 7.

Ogie Diaz sa nababalitang paglipat ni Vice Ganda sa GMA: "Malamang may announcement"
Photo: Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagkaroon umano ng kuro-kuro ukol dito matapos na mamataan sa isang pagpupulong ang It's Showtime host kasama ang direktor ang na si Bobot Mortiz.

Read also

Rita Avila, madalas mahusgahan dahil sa pag-aalaga umano ng mga manika

Madali umano itong napagtagni-tagni ng publiko ngayong nilisan na ni Willie Revillame ang show nito sa Kapuso network.

Isa rin sa dumagdag sa kanilang espekulasyon ay hindi umano nababalitang pumirma na muli ng kontrata si Vice sa ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang nakarating sa akin, sabi ng isang common friend namin ni direk Bobot, parang merong show abroad na pinag-uusapan 'yung dalawa, 'yun lang 'yun" paliwanag ni Ogie.

"Pero hindi ko alam bukod doon e nag-usap pa sila tungkol doon sa chismis na lilipat si Vice," dagdag pa niya.

Ayon pa kay Mama Loi, hindi raw nakadalo ng birthday celebration ng Chief Operating Officer ng ABS-CBN na si Cory Vidanes si Vice kaya naman lalong timindi ang maugong na paglisan ng komendyante sa nasabing network.

"Hindi lang naka-attend sa birthday ni Tita Cory lilipat na agad?" ani Ogie.

Read also

Mama Loi sa umano'y pambu-bully ni Joshua Garcia; "Kung kani-kanino nakikwento ni Jane 'yun"

Napag-usapan din nila ang hindi pa nila nababalitaang pagpirma muli ni Vice Ganda ng kontrata sa ABS-CBN na karaniwang isinasapubliko lalo na kung bigating mga bituin ng network ang nagsasagawa nito.

"Kasi pagkaganyan ina-announce nila na pumirma. E hindi pa natin nakikita si Vice na pumirma,"

"Hindi natin alam kung may network contract si Vice. Ang alam ko kasi 'pag may network contract merong contract signing. Kaya nga hindi pa natin nakikita si Vice. Baka wala pang network contract o baka hindi pa expired 'yung contract niya," dagdag pa ni Ogie na aminadong nahirapang magpaliwanag.

Gayunpaman, sinabi nitong iaanunsiyo naman ni Vice kung anuman ang napag-usapang ito lalo na kung ito ay proyektong gagawin ng Unkabogable Star.

Si Vice Ganda ay isang komedyante at TV host, at isang content creator kung saan pumalo na rin sa 6.19 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Gumawa ng ingay si Vice nang sabihin niyang taong 2020 pa pala nang ma-engage sila ni Ion Perez ngunit hindi nila ito isinapubliko maging ang kanilang kasalan na noong Oktubre 2021 pa pala naganap.

Read also

Huling eksena ni Susan Roces sa FPJ: Ang Probinsyano, binalikan

Sa kabila ng pagsubok na kinaharap ng ABS-CBN sa pagpapasara ng kanilang network, isa si Vice sa mga nanatili bilang isang Kapamilya.

Samantala, isa si Vice Ganda sa nakiiisa at hayagang nagpakita ng suporta noon kay Vice President Leni Robredo sa kandidatura nito sa pagka-pangulo sa katatapos lamang na Halalan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica