Mama Loi sa umano'y pambu-bully ni Joshua Garcia; "Kung kani-kanino nakikwento ni Jane 'yun"

Mama Loi sa umano'y pambu-bully ni Joshua Garcia; "Kung kani-kanino nakikwento ni Jane 'yun"

- Naikwento ni Mama Loi ang pambu-bully ni Mama Loi ni Joshua Garcia kay Jane De Leon

- Aniya, sinasabihan daw ni Joshua si Jane ng tungkol sa acting skills nito

- Nagkakasama ang dalawa na bahagi ng ipalalabas na seryeng 'Darna'

- Ayon naman kay Ogie Diaz, baka umano nagagaya lang ni Joshua ang madalas sambitin ng direktor na si Cathy Garcia-Molina

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pinakabagong Showbiz Update nina Ogie Diaz, naikwento ni Mama Loi ang umano'y pambu-bully ni Joshua Garcia sa co-star niya sa 'Darna' na si Jane De Leon.

Mama Loi sa umano'y pambu-bully ni Joshua Garcia; "Kung kani-kanino nakikwenti ni Jane 'yun
Joshua Garcia (@garciajoshuae)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na nasasabihan daw umano ni Joshua si Jane ng ""Yun na yun? acting na yun?" sa set ng kanilang serye.

"Pag may acting-acting silang ganon, tapos biglang magre-react daw si Joshua ng 'yun na yun?acting na yun'? Ganun daw, sabi daw," kwento ni Mama Loi.

Read also

Sen. Loren Legarda, ibinahagi ang bonding moments nila nina Toni at Alex Gonzaga

Ayon pa sa kanya, naikikwento umano ito ni Jane kung kani-kanino hanggang sa makarating na ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"E ito na nga 'Nay kasi nga, kung kani-kanino nga raw naki-kwento ni Jane De Leon yun na nabu-bully siya ni ano ni Joshua Garcia. Sa kaka-kwento kaka-kwento, may nagkwento na rin sa akin," pahayag pa ni Mama Loi.

Ayon naman kau Ogie Diaz, baka naman nagbibiruan lamang umano ang dalawa na magkasama sa pinakaabangang serye.

Dagdag pa ni Ogie, maaring nagaya lamang umano ni Joshua ang madalas sabihin ng direktor na si Cathy Garcia-Molina.

"Feeling ko kasi, nakuha ni Joshua 'yan kay Direk Cathy Molina. 'Yung expression na 'yun. Parang ano lang, joke lang. Hindi naman seryoso 'dun si Joshua feeling ko naman hindi. Love din naman niya si Jane," paliwanag pa ni Ogie.

Read also

Ogie Diaz, nausisa ukol sa mga larawan nina James Reid at Liza Soberano na magkasama

Narito ang kabuuan ng kanilang chikahan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at respetadong showbiz reporter. Siya rin ang manager na nakatuklas ng ganda at talento ni Liza Soberano.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang mga YouTube channels na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel